Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Paolo Contis at Baron Geisler
TALAGANG minura ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kaibigan niyang si Baron Geisler matapos mapanood ang pelikulang “Doll House.”
Hindi nakapagpigil si Paolo sa naramdamang emosyon nang matapos ang pinanood na pelikula na inilabas niya agad sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Sa kanyang Facebook page ngayong Huwebes ng umaga, October 13, nag-post ang Kapuso star ng litrato kung saan maluha-luha nga siya at sira-sira ang damit.
Ang nakasulat sa caption ng photo, “Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!
“Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal,” ang mensahe pa niya patungkol sa napanood na pelikula ng kaibigan.
In fairness, ilang araw nang number one ang naturang pelikula sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines at halos lahat ng nakapanood nito ay puring-puri nga si Baron.
Ni-repost naman ng aktor ang litrato ni Paolo na may nakalagay na mensaheng, “Love you Paolo Enrico Contis!! Next goal is to have a Mavx Productions, Inc. Movie with you Bestfriend!! Di ko kinaya Yung t-shirt.
“Alien ka alien!!! Yakap men!!! Ikaw isa sa inspiration ko habang ginagawa ko to. Secret lang natin ha.. hihihi Also salamat sa mga career advice,” aniya pa.
Matagal nang magkaibigan ang dalawang magaling na aktor na nagsimula pa sa teen barkada series na “Tabing Ilog” na umere sa ABS-CBN mula 1999 hanggang 2003.
Nakasama rin nila sa nasabing programa sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, Desiree del Valle, Patrick Garcia at Paula Peralejo.
Sa isang panayam, sinabi ni Baron na feel na feel naman niya ang kanyang character sa pelikula, “Naka-relate naman ako kay Rustin. Close to life. But there are a lot of twists na dapat abangan sa film na ito.”
“It’s a good role. A lot of people, like my co-actors, tell me, ‘Baron, this is your second wind. Please keep it up. We’re very proud of you,’” pagbabahagi pa ng aktor.