‘Nagulat na lang ako…nalaman kong patay na ‘ko!’ – Candy Pangilinan

'Nagulat na lang ako...nalaman ko na patay na 'ko!' - Candy Pangilinan

Janice de Belen, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan at Gelli de Belen

“MAY namatay na po ba sa lipo?” Yan ang tanong na naging dahilan kung bakit napabalitang patay na si Candy Pangilinan.

Kung may isang nakakalokang balita raw tungkol sa kanya na talagang ikinaloka niya at ikinawindang ng kanyang mga kapamilya at kaibigan, yan ay ang chikang natsugi na siya.

Ayon sa komedyana hinding-hindi raw niya makakalimutan yung panahong naging biktima siya ng death hoax.

Sa “Wala Pa Kaming Title” podcast nila nina Carmina Villarroel, Gelli at Janice De Belen, naikuwento nga ng aktres kung saan nagmula ang balitang nategi na siya.


“Worst sa akin na tsismis, madami e, pero meron akong isa na nagulat na lang ako, patay ako. Nalaman ko na patay ako,” ani Candy.

Naging malaking balita raw ito noon at napasugod pa sa bahay nila ang isa niyang kaibigan, “‘Yung friend kong si Frances sumugod sa bahay nagwawala. Si Candy, si Candy!”

Pagbabalik-tanaw niya, kapapanganak pa lang niya noon kay Quentin at nagdesisyon  sumailalim sa isang cosmetic procedure.

“Kasi noong time na ‘yun bagong panganak ako. Nagpa-lipo (liposuction) ako. So gusto ko pang i-secret na nagpa-lipo ako, nag-legit na hospital para ano talaga.

“Dito nanggaling yung tsismis. I am definitely sure dito nanggaling yung tsismis. Bago pumasok ng OR (operating room) nagtanong ako, ‘may namatay na po sa lipo?’ ‘Yun ang tinanong ko bago ako sinedate.

“Paglabas ko ng ospital, a day after, sinusugod na ako. Nasa news na patay na ako,” chika pa ng komedyana.

Sey pa niya, “Akala ko, hindi malaking news. Pero tinatawagan ako sa phone. Nakita ko hindi ko kilala ‘yung number, nasa kotse ako. ‘Pag ano ko si Kris Aquino, The Buzz, ini-interview ako. Kasi big news patay ako.”

“Sabi ko talaga, kasi ho sinisikreto ko ho sana. Dahil lang sa tanong ko na may namatay na ba po sa lipo? Ang lumabas patay na ako e sinisikreto ko nga ‘yung lipo ko,” ang nakakaloka pang chika ni Candy habang tawa naman nang tawa sina Carmina, Gelli at Janice.

https://bandera.inquirer.net/287134/candy-idol-mom-ng-mga-nanay-na-may-special-child-nakakabilib-ang-tapang-niya

https://bandera.inquirer.net/280243/juday-umamin-super-crush-noon-si-francis-m-patay-na-patay-ako-sa-kanya

https://bandera.inquirer.net/310355/neri-gwapung-gwapo-kay-chito-para-sa-akin-tinalo-niya-si-richard-gutierrez-at-papa-p

https://bandera.inquirer.net/293914/mata-ni-kiray-ipina-tattoo-ng-dyowa-sa-dibdib-alam-ko-patay-na-patay-ka-sa-akin

 

Read more...