Tip ni Andrea Torres sa mga hindi maka-move on sa mga ex-dyowa: Kailangang ma-accept mo lang na tapos na, wala na!

Tip ni Andrea Torres sa mga hindi maka-move on sa mga ex-dyowa: Kailangang ma-accept mo lang na tapos na, wala na!

Andrea Torres

ANU-ANO nga ba ang ginawa ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres para tuluyan nang maka-move on sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay?

Inamin ng dalaga na nasaktan at na-brokenhearted na rin siya nang dahil sa lalaki na naging sanhi ng matinding kalungkutan at depresyon.

Alam naman ng publiko na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon ng last boyfriend niyang si Derek at nakuha nga niya ang simpatya ng publiko nang aminin na nila ang katotohanan.

At makalipas nga ang mahigit dalawang taon, masasabi na ni Andrea na okay na uli siya ay naka-move on na sa masakit na pinagdaanan ng kanyang puso.

“Kailangan ma-accept mo lang na tapos na. Kumbaga nangyari na siya, tapos na, para mapunta ka na doon sa next step na ‘o ano ng gagawin ko?’ Parang kailangan lang maluwag lang sa puso mo,” ang pahayag ni Andrea sa “Updated with Nelson Canlas” podcast tungkol sa pinakamahalagang bahagi ng pagmu-move on mula sa isang heartbreak.


Kinailangan niyang alisin muna sa puso niya ang sakit at galit na nararamdaman para makapagsimulang muli. Napakalaking tulong din daw ng  support system sa ganitong pagkakataon.

“Parang nakakatuwa kasi sa lahat ng challenges ko sa life laging may tao na ipinapakilala sa akin na parang may impact sa buhay ko,” pahayag pa ng Kapuso star.

Mahalaga rin daw yung may closure ang isang nasirang relationship bilang respeto na rin sa isa’t isa ng naghiwalay na couple, “At least man lang huwag lang ‘yung bigla ka na lang iiwan sa ere.”

“Minsan kasi kahit na mag-usap kayo, hindi naman talaga kayo ‘yung masasabi mong nag-part ways nang okay,” aniya pa.

Matatandaang noong August, 2020 nagsalita si Andrea tungkol sa breakup nila ni Derek. Sabi niya nu’ng panahong yun, ine-enjoy muna niya ang pagiging single uli at hindi naghahanap ng panibagong boyfriend.

Kasal na ngayon si Derek kay Ellen Adarna habang nananatili pa ring single si Andrea. Pero siniguro ng Kapuso actress na hindi naman siya na-trauma sa pakikipagrelasyon.

https://bandera.inquirer.net/283032/payo-ni-andrea-sa-mga-minalas-sa-lovelife-magdasal-nang-taimtim-at-iwasang-maging-nega

https://bandera.inquirer.net/282812/derek-sa-pag-aming-siya-ang-nakipag-break-kay-andrea-gusto-kong-matahimik-na-dahil-ikakasal-na-ko

https://bandera.inquirer.net/288602/andrea-bet-na-bet-si-john-lloyd-feeling-ko-ang-bonggang-experience-nun

https://bandera.inquirer.net/315200/maraming-tao-na-hindi-ka-maiintindihan-kahit-good-intentions-yan-puwede-pa-rin-nilang-maliin

 

Read more...