Sikat na aktor hiyang-hiya nang aminin ni model-actress sa harap niya na… ‘crush kita’

Sikat na aktor hiyang-hiya nang aminin ni model-actress sa harap niya na 'crush kita'

Guess, guess who? Hula na!

NAMULA ang pisngi ng sikat na aktor nang malaman crush siya ng model-actress na kasama niya sa isang programa.

Hindi alam ng binata kung ano ang kanyang sasabihin dahil kaharap siya nang aminin ito ng dalaga.

Magkasama sa programa ang sikat na aktor at model-actress at maganda naman ang chemistry nila at nagkakaintindihan pa dahil pareho sila ng lengguwahe.

Nagkakatsikahan daw ang buong cast ng show at may kasama pang biruan. Hanggang sa nagkabukingan kung sino ang crush nila sa showbiz at hindi naman nahiya ang model-actress na inaming crush niya ang sikat na aktor na ikinagulat din ng ibang kasama sa show.

Parehong may mga karelasyon sina sikat na aktor at model-actress kaya siguro malakas din ang loob na aminin ng huli ang paghanga niya rito.

“Nagulat si ____ (sikat na aktor), pero natawa na lang kasi nga siyempre, di ba? In fairness kay ____ (model-actress) matino siyang babae at vocal naman siya sa boyfriend niya (na aktor din) kaya wala namang malisya noong nagsabi siya,” kuwento ng source namin.

Bale ‘yung isa ring sikat na aktres na kasama sa show ay crush na crush din ang sikat na aktor at noon pa niya ito inamin, pero ngayon ay nabago na ang lahat.

“E, kasi may boyfriend na siya hindi lang niya inaamin sa public kung sino, pero alam na alam naman na sa prod kung sino saka ng mga executives (ng network),” tsika pa ng aming source.

Ang nasabing sikat na aktres ay behave naman daw kaya ang suwerte ng boyfriend nito dahil wala siyang dapat ikabahala na ma-link ang dyowa sa kanyang co-actors.

Naalala tuloy namin ang tsika ng kilalang director-producer, “Sobrang mahal na mahal ni ____ (sikat na aktres) si ____ (boyfriend), ewan ko kung ano ang nakita. Sa tingin ko parang mas marami pang dapat o bagay sa kanya.”

Going back to sikat na aktor na crush ng model-actress, mukhang may plano na itong mag-asawa hindi nga lang namin alam kung payag na ang girlfriend niya dahil busy naman ito sa mundong ginagalawan niya.

Samantalang si model-actress ay parang wala pa sa plano ang pag-aasawa dahil ang boyfriend niya ay bago palang sa showbiz at wala pang napapatunayan pero sikat ang apelyido niya.

https://bandera.inquirer.net/294172/male-star-pinrotektahan-pa-rin-ang-ex-gf-na-aktres-kahit-nakipagchurvahan-sa-isang-aktor

https://bandera.inquirer.net/287617/maureen-wroblewitz-ibinandera-ang-sikreto-sa-relasyon-nila-ni-jk-labajo-idol-na-idol-si-kathryn

 

Read more...