K-Pop group ENHYPEN may ‘fan meet’ sa Disyembre

ENHYPEN

PHOTO: Facebook/Enhypen

MAY maagang Pamasko ang rising K-Pop boy band na “ENHYPEN” para sa “ENGENEs” o fans ng grupo.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay bibisita sila sa bansa para makilala nang personal ang kanilang Pinoy fans.

Wala pang detalye tungkol sa tickets, pero inanunsyo ng event organizer na Wilbros Live na mangyayari ang “fan meet” sa Dec. 3 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Over the weekend lamang nang ni-reveal ng isang cosmetic brand na ang ENHYPEN ang pinakabago nilang endorser.

“No matter your role, be ready to face it.

“We’re proud to announce the new face of BYS, the global K-Pop group that is never afraid to play any role they wanna play, @ENHYPEN,” ang bahagi ng kanilang announcement.

Nabuo ang ENHYPEN noong 2020 dahil sa survival program na “I-LAND.”

May pitong miyembro ang grupo na sina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo at Niki.

Kilala sila sa mga hit song gaya ng “Polaroid Love,” “Future Perfect,” at “Drunk-Dazed.”

Read more:

K-pop idol Joshua Hong ng SEVENTEEN niloko ng taxi driver sa Pinas, LTFRB nagbabala: Kailanman ay hindi ito katanggap-tanggap

K-Pop boy band SEVENTEEN nasa bansa na, fans kilig na kilig: ‘May pogi na sa pinas’

K-Pop boy band ‘Treasure’ nag-release ng mini album, may bongga pang music video

Read more...