Andrea Torres nawalan ng tiwala sa sarili sa sunud-sunod na rejection sa mga audition: Pangit ba ‘ko, hindi ba ‘ko magaling?

Andrea Torres nawalan ng tiwala sa sarili sa sunud-sunod na rejection sa mga audition: Pangit ba 'ko, hindi ba 'ko magaling?

Andrea Torres

BATA pa lang ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ay talagang pangarap na niyang maging artista.

Pero tulad ng karamihan sa mga sikat na celebrities ngayon, dumaan din sa matitinding hamon ng buhay ang dalaga bago makamit ang inaasam na tagumpay.

Ito ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip din si Andrea na ipagpatuloy ang nasimulang showbiz career at ang lagi raw niyang tanong sa sarili noon, “Pangit ba ako, hindi ba ako magaling?”

Sa panayam sa kanya ng podcast na “Updated with Nelson Canlas”, naikuwento ni Andrea na dumaan din siya sa butas ng karayom bago niya naabot ang estado na kinalalagyan niya ngayon sa showbiz.

“Naku, bata pa lang ako, 6 years old pa lang ako nagbi-VTR na ako. Tapos lagi akong hindi natatanggap. Dinadamdam ko ‘yun talaga, as in!” pag-amin ni Andrea na may guest appearance sa Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” bilang si Sisa.

“Siyempre kapag bata ka iisipin mo, pangit ba ako, o hindi ba ako magaling? Tapos nagko-compare ka rin siyempre, ‘Bakit ‘yung iba lagi silang nakukuha?’

“Parang hindi mo pa maintindihan na siyempre may certain look na hinihingi for a certain brand,” aniya pa.

Pagtungtong niya sa pagiging teenager, hindi pa rin sinukuan ni Andrea ang kanyang pangarap. Lahat ng pwedeng puntahang audition ay pinapatos niya sa pagbabakasaling mabibigyan din siya ng chance na maipakita ang kanyang mga talent.

“Part na siya ng life ko talaga na school and then nagbi-VTR kapag weekends.

“Tapos dumating sa point na parang medyo bumaba na ‘yung self-esteem ko kasi nga lagi akong nare-reject. Memorize ko na ‘yung gagawin ko sa VTR, eh. Look to the right, to the left, ganyan,” ang natatawang pag-alala ng dalaga.


Pagpapatuloy pa ng aktres, “Ang ginawa ko na lang, dahil sobrang interested ako, inaaral ko na lang ‘yung ibang nag-o-audition. Tapos ginagaya-gaya ko.

“Ang first project na nakuha ko, ano na ako nu’n, first commercial ko parang 18 na ako. Ang tagal, sobrang tagal talaga!” chika pa ng seksing Kapuso star.

“May mga times na medyo nawawalan na rin ako ng lakas ng loob pumunta kasi nga parang nasa isip ko, alam ko na naman e, hindi na naman ako matatanggap, ganu’n.

“Pero alam mo, nandoon pa rin ‘yung pain every time, kahit na expected mo na. Nasasakatan ka pa rin talaga kapag hindi mo nakukuha,” sey pa ni Andrea.

Pagbabahagi pa niya noong una siyang pumasa sa audition, “Ang nakakatawa dito ‘yung first time ko nakuha. Ang kulit ko sa agent ko. ‘Yes talaga? Sure ba kayo yes? Parang hindi na ako makapaniwala na ‘Ay nakuha ko na siya talaga!’ Ganu’n.”

Kasunod nito, mas tumindi pa raw ang faith niya kay Lord dahil sa wakas, dininig din ang kanyang mga dasal, “Doon nag-start na talaga ‘yung relationship ko sa Taas kasi nga ‘di ba, pray ka nang pray para sa mga dreams mo.”

Tutukan ang pagganap ni Andrea bilang si Sisa, ang ina nina Crispin at Basilio sa pinag-uusapang “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/283032/payo-ni-andrea-sa-mga-minalas-sa-lovelife-magdasal-nang-taimtim-at-iwasang-maging-nega

https://bandera.inquirer.net/315200/maraming-tao-na-hindi-ka-maiintindihan-kahit-good-intentions-yan-puwede-pa-rin-nilang-maliin
https://bandera.inquirer.net/303996/ako-yung-tipo-ng-bata-na-laging-bida-bida-sa-family-reunion
Read more...