Angelica, Gregg naloka sa ginawa ng pekeng FB page na gumagamit sa kanilang content: Yung sa amin pa ang na-take down

Angelica, Gregg naloka sa ginawa ng pekeng FB page na gumagamit sa kanilang content: Yung sa amin pa ang na-take down

Greegg Homan at Angelica Panganiban

NAKAKALOKA pala ang nangyari sa official social media account ng celebrity couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Knows n’yo ba na sa halip na ang fake account na gumagamit sa mga litrato at identity ng engaged couple ang i-take down ng Facebook ay ang ginawa pa nilang official account ang tinanggal sa nasabing platform.

Kaya naman nanawagan na sina Angelica at Greg sa kanilang mga tagasuporta at socmed followers na tulungan silang i-report ang pekeng Facebook page na pinamamahalaan ng mga taong nagpapanggap na sila.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN, nabuking ng magdyowa ang tungkol sa fake FB account mula sa kanilang mga editors at ginagamit nga ang kanilang identity pati na ang mga content nila sa YouTube.

“We don’t use Facebook that often kasi. We found out that there is this page nga on Facebook that looks identical to our YouTube page. We checked it out and we saw it, and yes super identical nga,” ani Gregg.

Nalaman pa nila na naniningil ang nasabing FB account kapalit ng mga video nila sa YouTube, “The page uses our contents, claiming to be us, asking for money, getting more views than us. They are asking for premium subscription to get premium content for like $5 yata or something.”

“They have this special group where you can subscribe daw and get premium content. I don’t believe there’s many people who fell for that,” sabi pa ng fiancé ni Angelica.


At kasunod nga nito, gumawa agad sila ng mga official page para sa lahat ng kanilang social media platforms para mapigilan na ang pamemeke sa kanilang account.

“We thought maybe it’s time we did a Facebook page as well, and Instagram and TikTok as well. Since we were requesting for Facebook to put that page down, it would be easier if we have our official page,” pahayag ni Gregg sa nasabing panayam.

Pero ang nangyari nga, ang official page nila ang na-take down, “About a day or two, they put down our official page due to a complaint from a person na we later found out, we think, owns the site, the fake account.”

Paliwanag pa ni Gregg, “It makes it really hard for our followers to report the fake account, even for us, because our page has been put down.

“It’s hard for our followers and our viewers to report them because they can’t select a link that is saying they are pretending to be us because we don’t have our official page,” ang himutok pa ni Gregg.

Umaasa ang engaged couple na may mga tutulong sa kanila para matanggal nang tuluyan ang pekeng Facebook page na gumagamit sa kanilang contents.

Nauna rito, pagkatapos ibalita ang pagsilang ng kanilang first baby, ibinandera naman nila last Saturday sa bago nilang vlog ang kanilang engagement.

Related Chika

https://bandera.inquirer.net/317673/toni-gonzaga-nag-warning-sa-netizens-laban-sa-poser-na-humihingi-ng-digital-gift
https://bandera.inquirer.net/326167/xian-gaza-binawi-ang-paratang-kay-ivana-alawi-sorry-if-i-hurted-your-peelings
https://bandera.inquirer.net/325978/feeling-ni-xian-gaza-pagkawala-ng-facebook-account-ni-ivana-may-konek-daw-sa-bir
Read more...