Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Mac Alejandre, Andrea del Rosario at Ricky Lee
INAMIN ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee na nahihiya pa rin siya kapag may mga nakakakilala at bumabati sa kanya sa mga pinupuntahan niyang lugar.
In fairness, ramdam na ramdam mo pa rin sa kanya ang kababaan ng kalooban kahit na napakarami na niyang natanggap na parangal at pagkilala bilang mahusay na manunulat sa pelikula at telebisyon.
Nakachikahan namin si Ricky Lee kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media sa presscon ng bagong movie na isinulat niya, ang “May-December-January” nitong nagdaang Martes, October 4.
Bida rito sina Andrea del Rosario, Kych Minemoto, at Gold Aceron, na ipapalabas na sa mga sinehan simula sa October 12, sa direksyon ni Mac Alejandre na kilalang isa sa mga matalik na kaibigan ni Ricky Lee.
Sa isang bahagi ng mediacon, natanong ang award-winning scriptwriter kung anu-ano ang mga naging pagbabago sa buhay niya mula nang kilalanin siya bilang National Artist.
Sagot ni Ricky Lee, “Malaking hassle. Ang ibig sabihin ng hassle, naging title ako, most of the time, kesa tao.
“Ang dami-daming imbitasyon, maging speaker, maging juror, maging this and that…ang dami-daming imbitasyon.
“And then, tuwing lumalabas ako, nahihiya ako na may atensyon sa akin. Dati, masaya na ako kung sino lang ang nakakakilala. I like that mystery.
“Ngayon, halos nawawala na iyon. Ang dami nang lumalapit at ang attention, naka-focus. Parang nawala yung sarili ko, napalitan ako ng title. So in a way, yun ang reasoning kanina na ‘medyo hassle,'” paliwanag niya.
“But I’m really happy because it focuses attention on writers, not just me.
“So kung focus ang title sa akin, I keep reminding myself, hindi sa akin naka-focus iyon, sa writers in general, and I should be happy for them and for all of us,” paglalahad pa ni Ricky.
At talagang dumadalo raw siya sa mga imbitasyon ng iba’t ibang grupo at organisasyon para maging hurado at guest speaker sa mga makabuluhang events.
“Hanggang kaya kong puntahan, pupuntahan ko. Parang ang feeling ko kasi, I will show up para sa mga writer, hindi para sa akin,” sey pa ni Ricky Lee.