Janelle Tee never magbebenta ng katawan para sa pera: Kahit gipit ka malalampasan mo, tamang diskarte lang

Janelle Tee

NAIINTINDIHAN at nakikisimpatya ang sexy actress at dating beauty queen na si Janelle Tee sa lahat ng mga sex workers na patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay.

Gumaganap bilang prostitute ang dalaga sa Vivamax mini-series na “AN/NA” na malapit nang magtapos. May dalawa pa itong episodes na mapapanood ngayong araw, October 8 at sa susunod pang Linggo.

Napanood na namin ang previous episodes ng “AN/NA” kung saan gumaganap ngang call center agent si Janelle na nagngangalang Anna. Siguradong marami ang nakaka-relate sa kuwento ng mini-serye lalo na yung mga empleyadong hirap na hirap nang pagkasyahin ang kinikita para sa araw-araw na gastusin.

At dahil sa sobrang kahirapan, mapapasok si Anna sa high class prostitution gamit ang ibang pangalan, si Mei Ling. In fairness, kering-keri ni Janelle ang kanyang karakter dahil talagang gets na gets niya ang pinagdaraanan ni Anna.

Sa final presscon para sa nasabing mini-serye natanong si Janelle kung ano ang masasabi niya tungkol kay Anna, “I can relate with Anna kasi I’m really the breadwinner in our family.

“Kaya nga naging Viva raketera ako hosting events, joining pageants, and now acting. But I will never resort to selling my body.

“I believe God really provides kasi kahit gipit ka sa pera, malalampasan mo, tamang diskarte lang ang kailangan.

“Maging maparaan ka para masolusyunan mo ang iyong money problems. Ako, I even resorted to selling dresses,” pahayag ng former Miss Earth Philippines.


Sabi pa ng dalaga, umaasa siya na mas marami pa ang makakaintindi sa buhay ng mga sex workers kapag napanood nila ang “AN/NA.”

“We really should not judge them easily kasi we don’t know what ourselves will do if put in their shoes, in the same kind of situation.

“So let’s show them more compassion. Si Anna rito, maaawa ka kasi araw-araw, iba-iba ang ka-sex niya.

“Some of them, ni hindi niya kilala. Then something tragic happens to her, something that she does not really deserve,” pahayag ni Janelle.

Samantala, nagbigay naman ng ilang detalye ang direktor ng nasabing Vivamax original series na si Direk Joey Reyes sa mga dapat abangan ng viewers sa final two weeks.

“We don’t want to spoil it but the conclusion will reveal a lot of things and it is very painful.

“You can watch the show for the earthy scenes, but I want people to think seriously about yung pinagdaanan dito ni Anna.

“It’s going to be heartbreaking because what she has gone through is really painful. But I am not making her a saint as she made her own wrong choices in life.

“Gusto ko lang ma-realize ng audience what some people can do dahil sa masidhing pangangailangan. I want people to think at sana mapaisip sila when they watch the story of Anna,” lahad ni Direk Joey.

Kasama rin ni Janelle sa “AN/NA” sina Rob Guinto bilang best friend ni Anna at Migz Almendras bilang lover ni Anna na siyang nagpasok sa kanya sa mundo ng prostitusyon.

https://bandera.inquirer.net/323219/janelle-tee-dumaranas-ng-mental-health-problem-tuluyan-na-nga-bang-iiwan-ang-showbiz

https://bandera.inquirer.net/323156/joey-reyes-tinawag-na-thinking-actress-si-janelle-tee-ikinumpara-kay-ana-capri

https://bandera.inquirer.net/325982/derek-ramsay-at-john-lloyd-cruz-type-makachurvahan-ni-janelle-tee-kung

https://bandera.inquirer.net/314616/baron-sa-sex-scenes-nila-nina-janelle-tee-at-angeli-khang-akala-nyo-nag-eenjoy-kami-hindi-po-nanginginig-kami-sa-takot

Read more...