Kuya Kim inalala ang araw nang ma-stroke 12 years ago; Boy Abunda binigyang-pugay ang 3 natatanging kababaihan sa US

Kuya Kim inalala ang araw nang ma-stroke 12 years ago; Boy Abunda binigyang-pugay ang 3 natatanging kababaihan sa US

Kim Atienza, Harnaaz Sandhu, Loida Nicolas Lewis, Olivia Quido-Co at Boy Abunda

BINALIKAN ng Kapuso TV host at Trivia King na si Kim Atienza ang araw nang siya’y ma-stroke 12 taon na ang nakararaan.

Naaalala pa ni Kuya Kim ang mga sandali nang bigla siyang atakihin sa puso at kung paano nagbago ang kanyang buhay mula noong pagdaanan niya ang napakatinding  pagsubok na ito kaugnay ng kanyang kalusugan.

Sa Instagram, nag-share si Kuya Kim ng isang video compilation ng kanyang life-changing journey nang na-stroke siya noong 2010.

“12 years ago today when I suffered a stroke,” ang simulang caption ni Kuya Kim sa kanyang IG photo.


Pagpapatuloy pa ng Kapuso host, “Thank you Lord for your grace, thank you Lord for your healing. You are a faithful God!

“’Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here!–2 Corinthians 5:17,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, noong July, inalala ng “TiktoClock” host ang kanyang “undiagnosed health condition” taong 2009. Sabi ni Kuya Kim, ang ilang pagbabago sa kanyang mukha ay dahil sa Hashimoto’s Hypothyroidism.

Pahayag ng veteran TV host, “I was so in love with TV I neglected exercise and eating right. I suffered a stroke that changed my life habits a year after. I’ve lost around 12 pounds since. Thank you God for health and TV!”

Bukod dito, ibinalita rin ni Kuya Kim sa isa niyang vlogs noong 2013 na  na-diagnose siya ng isang rare disease – anh Guillain-Barre Syndrome.

* * *

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Filipino-American businesswoman and philanthropist Loida Nicolas Lewis at Los Angeles-based Filipino-American businesswoman at CEO ng O Skin Care Olivia Quido-Co, para sa isang intimate conversation na inorganisa ng Friends of the Philippines Society USA Incorporated (FPHSUSA Inc).

Ginanap ang event noong September 23 sa Players NYC sa Gramercy Park sa New York City na dinaluhan ng ating mga kababayan mula sa tri-state area (New York, New Jersey at Connecticut), supporters at allies ng Filipino community, executives mula sa Miss Universe Organzation, mga negosyante at iba pa.

Sumentro sa women empowerment ang kuwentuhan na pinangunahan ni Asia’s King of Talk Boy Abunda. Ibinahagi ni Boy ang ilang natatanging kuwento ng kasaysayan sa Amerika na hindi naging madali ang daan para sa mga kababaihan para mabigyan ng mga karapatang hindi nila natatamasa noon gaya ng “right to vote” o karapatang bumoto.

Sa loob ng mahigit isang oras, naging makulay ang pagbabahagi ng tatlong bisita ng kanilang mga kuwento ng tagumpay, kuwento ng adbokasiya at kuwento ng pag-ibig.

Gaya ni Olivia Quido-Co, na binigyang pagpapahalaga ang paggabay ng kanyang mga magulang at salita ng Diyos sa pagpapatakbo ng kanyang O Skin Care sa Amerika, South America at iba pang bansa.

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng Asian American Minority Business Excellence Award si Quido-Co.

Ayon sa event organizers na sina Jerry Sibal at Edwin Josue, “FPHSUSA Inc. has bestowed an award to Olivia Quido-Co for her breakthrough success in the mainstream USA with her skin care line as endorsed by the Miss Universe Organization.”

https://bandera.inquirer.net/298385/kuya-kim-may-swabeng-hirit-kay-ogie-diaz-bawal-ikampanya-ang-ama-sa-eleksyon-2022

https://bandera.inquirer.net/284409/kc-gustong-mag-host-ng-miss-universe-sana-nga-ikaw-na-lang-kesa-kay-olivia-culpo

https://bandera.inquirer.net/325419/boy-abunda-hindi-kayang-tiisin-si-mariel-padilla-im-will-sell-my-house-for-you

https://bandera.inquirer.net/294013/boy-abunda-magiging-kapuso-na-rin-tuloy-ang-negosasyon-sa-gma

 

Read more...