Ellen Adarna muntik ma-hack ang FB, may mensahe sa hacker: ‘Nice try’

ELLEN ADARNA

MUNTIKAN na ring maging biktima ng isang hacker ang sexy actress na si Ellen Adarna.

Ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram story ang isang screenshot na nag-notify sa kanyang official Facebook page.

Makikitang nagtatangka itong palitan ang kanyang password.

Sabi pa sa mensahe, “Hi Maria Elena, you can enter this code to log into Facebook.

“If you weren’t trying to log in, please let us know.”

PHOTO: Screen grab from IG story @maria.elena.adarna

Mabuti nalang at naging alerto si Ellen kundi baka isa na rin siya sa mga biktima ng nawalan ng FB account, gaya ng ilang content creators na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake.

Pero Imbes na magalit ang aktres ay pinagtawanan pa niya ito dahil nabigo ang hacker na mapasok ang kanyang FB.

Sabi pa niya sa IG story, “Dear Hacker…Don’t even bother.

“Nice try tho.”

Makikita rin sa screenshot na ni-report na ito kaagad ni Ellen sa FB.

Mensahe sa kanya ng social networking service, “We’ve recorded that you didn’t ask to reset your password.

“You can log into your account with your current password, and you don’t need to do anything else.”

Kasalukuyang may 3.1 million followers ang verified account ng sexy actress.

Samantala, sa susunod na buwan na ipagdidiwang ni Ellen at ng kanyang asawa na si Derek Ramsay ang kanilang first wedding anniversary.

Nobyembre nang nakaraang taon sila ikinasal matapos ang ilang buwang relasyon.

Read more:

Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’

Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: ‘Thank you for giving me so much love, I’ve really found true happiness’

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Read more...