EMOSYONAL si Unkabogable Star Vice Ganda matapos niyang mapanood ang naging tapatan ng dalawang drag queens na sina Minty Fresh at Xilhouete.
Ang dalawang drag queens ay contestants sa kauna-unahang “Drag Race Philippines” hosted by Paolo Ballesteros.
Sa kanyang Twitter account ay hindi napigilan ni Vice Ganda na ipahayag ang kanyang saloobin ukol sa last episode bago ang Grand Finale ng naturang reality show.
“F*ccccccckkkkkkk! The Minty Fresh-Xilhouette Lipsynch Battle is super heartbreaking!!!!” saad ng “It’s Showtime” host.
Dagdag pa ni Vice Ganda, “Naiyak ako quing inuuhhh!!! That face to face performance of ‘You’ll Always Be My Number 1’ is a major tindig balahibo moment. Di ko kaya! Nasaktan ako for them i swear!”
Hindi lang ang komedyante ang nakaramdam ng sakit sa naging tapatan nina Minty Fresh at Xilhouete na naging bottom 2 sa episode 9 ng “Drag Race Philippines” bagkus buong madlang pipol na tumututok sa naturang show.
Gaya ni Vice Ganda, naging emosyonal rin ang netizens matapos magtapat ng dalawa na aminadong malapit sa isa’t isa at mag-ina na ang turingan para sa ikaapat na pwesto para sa Top 4.
“Same mis maam. ang sakit to even send somebody home kasi deserve din ni minty ang top 4 based sa track record. sana top 5 na lang. ang gagaling nilang lahat eh,” komento ng isang netizen.
Fuccccccckkkkkkk! The Minty Fresh-Xilhouette Lipsynch Battle is super heartbreaking!!!! Naiyak ako quing inuuhhh!!! That face to face performance of You’ll Always Be My Number 1 is a major tindig balahibo moment. Di ko kaya! Nasaktan ako for them i swear! 😭😭😭😭😭 #DragRacePh
— jose marie viceral (@vicegandako) October 5, 2022
Maging sina Sam Bernardo at Moira dela Torre ay naapektuhan sa naging lipsync ng dalawa.
Nanawagan naman ang mga netizens na sana ay maging bahagi ng season 2 ng “Drag Race Philippines” si Vice Ganda.
“Off-topic, but we need your presence to be in drag race as a judge or host huhu,” saad ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “You should be a guest judge in Season 2 please. Kahit sa roast and standup comedy challenges.”
“Meme next season mag-guest judge ka sa mga improv challenge nila. I know naman na hindi naman dapat pag-aralan ang comedy ng malalim. Pero mas mabibigyan mo sila ng insights,” sey pa ng isa.
Related Chika:
‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird
#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta
Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!