Heart Evangelista may bonggang appearance sa ‘Bling Empire’: It was a fun cameo!

NEXT level ang fashion influencer at aktres na si Heart Evangelista!

Paano ba naman kasi, nagkaroon siya ng cameo appearance sa Season 3 ng Netflix reality series na “Bling Empire.”

Kinumpirma ito mismo ni Heart sa pamamagitan ng kanyang Twitter at sinabi pang, “Bling on Netflix in about 30ish minutes ?:) see you.”

Sa isa pang Twitter post ng fashion mogul ay nagpasalamat siya sa “Bling Empire” stars na sina Kane Lim at Kelly Mi Li at sinabing, “It was a fun cameo.

“Thank you Bling Empire for the sweetest party 🙂 to Kane and Kelly you are angels :)”

Nag-post din si Heart sa Instagram upang pasalamatan naman ang buong team ng serye at ibinandera pa ang maikling clip ng kanyang appearance.

Saad niya, “Thank you @blingempire_netflix_fanpage for the sweet welcome.

“Sending love to my angels @kanelk_k @kellymili miss the whole team!”

Ang reality series na “Bling Empire” ay umiikot sa kwento ng party adventures ng mga mayayamang Asian at Americans.

Mapapanood na ang Season 3 nito sa Netflix.

Read more:

Heart Evangelista nagetsing ang atensiyon ni Victoria Beckham: ‘You look incredible! Perfect!’

Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas

Heart Evangelista umalis na sa bahay nila ni Chiz Escudero; nali-link na Italian guy beki raw?

Read more...