Ne-Yo may one-night concert sa bansa, Catriona Gray nag-react: ‘Lava walk part 2?’

Ne-Yo

Ne-Yo (PHOTO: Instagram/@neyo

MAGKAKAROON ng Manila concert ang R&B superstar at iconic songwriter na si Ne-Yo.

Mangyayari ang “Live in Concert” tour sa January 23 sa susunod na taon sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ayon sa concert promoter na Wilbros Live, asahang ipe-perform ni Ne-Yo ang kanyang greatest hits at bagong music.

Kamakailan naglabas siya ng kanyang eighth studio album na pinamagatang “Self Explanatory,” kung saan tampok ang ilang collaboration kasama ang American artists tulad nina Yung Bleu, Jeremih, at Trippie Redd.

Kabilang din sa kanyang bagong album ang singles na “You Got The Body,” “Stay Down,” “Don’t Love Me,” at marami pang iba.

Sa October 15 na mag-uumpisa ang bentahan ng concert tickets na nagkakahalaga mula P1,050 habang ang pinakamahal ay nasa P8,925.

Samantala, naging maingay din sa social media ang reaksyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa Ne-Yo concert.

May ilang netizens kasi ang nag-Twitter mention kay Queen Cat, at nagtanong kung magkakaroon ba ng remake ang kanyang iconic “lava walk” sa concert.

Ang reply ng beauty queen sa isang tweet, “Lava walk part 2?”

Matatandaang isa sa mga favorite moments ni Catriona ay yung pagrampa niya sa Coronation Night ng Miss Universe noong 2018 habang suot ang kanyang “lava gown” at kumakanta nang live si Ne-Yo ng “Miss Independent.”

Saad niya sa kanyang dating post, “And since I’m reminiscing.. #Throwback to one of my ultimate favourite moments of my @missuniverse journey.

“Paired with my forever soundtrack @neyo’s Miss Independent…that’s why I love her.”

Taong 2008 pa nang huling mag-concert sa Pilipinas si Ne-Yo.

Ilan sa kanyang hit songs ang “Sexy Love,” “Mad,” “Because of You,” “Miss Independent,” at marami pang iba.

Read more:

Catriona Gray nagpaliwanag kung bakit biglang nawala sa socmed: ‘I’ve been really ill…’

Catriona Gray agree sa pagsali ng mga may asawa’t anak na sa Miss Universe, pero…

Catriona Gray, Sam Milby ikakasal na nga ba?

Read more...