Herlene Budol umiiyak na nagsumbong kay Tulfo, inireklamo ang dating talent manager Bandera

Herlene Budol umiiyak na nagsumbong kay Tulfo, inireklamo ang dating talent manager

Ervin Santiago |October 05,2022
share this

Herlene Budol umiiyak na nagsumbong kay Tulfo, inireklamo ang dating talent manager

Ervin Santiago - October 05, 2022 - 08:09 AM
Herlene Budol umiiyak na nagsumbong kay Tulfo, inireklamo ang dating talent manager

Herlene Budol at Raffy Tulfo

UMIIYAK na nagsumbong ang Kapuso TV host-comedienne na si Herlene Budol kay Sen. Raffy Tulfo hinggil sa umano’y panloloko sa kanya ng dati niyang kaibigan at talent manager.

Personal na nagpunta si Herlene na kilala rin bilang Hipon Girl sa studio ng public service program ni Tulfo kamakalawa ng hapon, October 4, para ireklamo ang dati niyang manager na nagbibigay sa kanya ng mga raket.

Dito, ipinakita niya kay Tulfo ang mga ebidensyang magpapatunay sa mga binitiwan niyang akusasyon laban sa dating kaibigan.

Kuwento ng komedyana, nagsimula silang maging close ng dati niyang manager nang magkakilala sa mismong studio ng “Wowowin” noong co-host pa siya ni Willie Revillame.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Wala kaming kontrata po. Kaibigan ko po siya, nagpatulong ako sa kanya na rumaket during pandemic kasi walang-wala na po akong trabaho. Sa kanya po ako lumapit.

“Naging kaibigan ko po siya sa Wowowin. Nagtiwala po ako sa kanya. Mama nga po ang turing ko sa kanya.

“Ako po ang lumapit sa kanya. Sinabi ko po sa kanya na, ‘Baka meron po kayong mga raket. Mag-cut na lang po sa akin ng komisyon.’ Kasi, walang-wala po ako noong pandemic. Isa po siya sa nagbigay ng mga raket,” pahayag ni Herlene.

Ngunit dumating nga yung araw na nalaman niya ang ginagawa umano ng tinutukoy niyang manager kabilang na ang hindi pagbibigay ng tamang halaga ng talent fee sa kanya.

Pagpapatuloy ng beauty queen, “Naging endorser po ako ng product. Tapos nu’ng unang araw ng photo shoot namin, nagkaliwaan na po sila ng bayad.

“Sabi niya, alam ko raw po. Pero sa akin po, hindi ko talaga alam dahil kung alam ko po yun, siyempre, kukunin ko na ang parte ko kasi pagod na pagod po ako nu’ng araw na iyon. Pero hindi po niya sinabi sa akin na bayad na po pala,” ang sumbong pa ni Herlene kay Tulfo.

Sabi ng dalaga, P200,000 daw ang talent fee niya para sa nasabing project pero wala raw siyang natanggap mula sa dating manager.

Kung hindi siya nagkakamali, more than P1 million raw ang kinita niya mula sa iba’t ibang product endorsements pero walang nakarating na pera sa kanya.

Bukod dito, naikuwento rin ni Herlene na hinihingan daw siya ng dating kaibigan at manager ng 30% commission mula sa talent fee niya sa mga TV guestings.

Ngunit ipinagdiinan niya na siya ang direktang kausap ng mga taong nasa produksyon na kumuha sa kanya kaya nagulat siya at hinihingan pa siya ng komisyon.

“Ako po ang may kakilala du’n. Gusto niya pong bawiin sa akin ang pera. Kailangan daw po may 30% siya sa lahat ng pinagtrabahuan ko raw po,” sabi pa ni Herlene.

Umiiyak pa niyang sabi, “Gusto lang din niya na dumaan sa kanya, tapos ang ending po, hindi ko po akalain na pati sa TV guestings ko, meron siya na kukuning komisyon.

“Ito po ang computation po niya. Yung pagpatira sa kanila, saka paghatid-sundo niya po sa akin. One thousand per day daw po for eight months. Sinisingil niya po ako.

“Saka yung driving lesson po. Yung kapatid po niyang pulis, tinuruan po ako. Isinabay lang niya po ako sa anak niya po na nag-aral magmaneho.

“Saka yung pagtira ko po du’n sa kanila ng one to two months daw po. Parang ako pa po yung may utang sa kanya po,” dire-diretso pang sumbong ni Herlene.

Nang tawagan na ng staff ni Tulfo ang naturang talent manager para kunin ang panig nito sa mga naging pahayag ni Herlene, wala raw ito sa kanyang bahay.

Samantala, nabanggit ng resident legal counsel ng public service program ni Tulfo na si Atty. Garreth Tungol, pwedeng magsampa si Herlene ng qualified theft o estafa laban sa dati niyang manager.

Bukas ang BANDERA sa panig ng talent manager.

Raffy Tulfo nagpaalam na sa Idol in Action at Frontline Pilipinas

Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso

AJ Raval buong araw umiiyak matapos gawin ang mga sex scenes sa 4 na lalaki: Tapos tumakbo po ako sa friend ko…

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending