Biko business ng 2 anak nina Gelli at Ariel patok na patok sa Canada, dollars ang kinikita | Bandera

Biko business ng 2 anak nina Gelli at Ariel patok na patok sa Canada, dollars ang kinikita

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 08:08 AM

Biko business ng 2 anak nina Gelli at Ariel patok na patok sa Canada, dollars ang kinikita

Ariel Rivera, Gelli de Belen, Joaquin Andres at Julio Alessandro Rivera

PATOK na patok ang “biko” business ng dalawang anak ng celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera sa Canada.

In fairness, dollars ang kinikita nina Joaquin Andres at Julio Alessandro Rivera sa pagbebenta ng biko sa pamamagitan ng itinayo nilang negosyo na Lolo Ben’s Biko na bentang-benta ngayon sa Toronto.

Ang panganay nina Gelli at Ariel na si Joaquin Andres ay nag-aaral pa ngayon para maging piloto habang ang bunso nilang si Julio Alessandro ay nagtapos na ng Kinesiology sa York University nito lamang nagdaang Hulyo.

Kahit wala pang mga trabaho ngayon ay kumikita na nang bonggang-bongga ang dalawang anak nina Gelli at Ariel na super proud parents naman dahil sa kasipagan at pagiging responsable ng mga binata.

Naibahagi naman ni Gelli sa  episode ng “Magandang Buhay” nitong Lunes kung paano nagsimula ang negosyo ng mga anak sa Canada bilang sideline.

View this post on Instagram

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


Sa mga magulang ni Ariel naninirahan ngayon (sa Toronto) ang mga binata at tuwing weekends daw tumatanggap ang mga ito ng mga orders.

“Kasi itong biko na ito, recipe ng father-in-law at mother-in-law ko iyan,” simulang pagbabahagi ni Gelli.

“That’s what they (in-laws) make kapag may party kasi they used to cater, e. Kapag may mga party, ganyan, gagawa sila,” chika ng aktres.

Nang magtungo na sa Canada sina Joaquin at Julio para mag-aral ay itinuro nga sa kanila ang special recipes ng kanilang lolo at lola.

“Ang unang nakaalam si Julio. Tapos naisip-isip niya, kasi minsan kapag may party, may mga nagre-request, ‘Pagawan na ng biko si Julio tsaka si Wacky,’ ganu’n,” sey pa ni Gelli.

Laging daw talagang “box-office” ang inihahaing biko sa tuwing may party sa bahay nila sa Canada, “Ngayon, sabi ni Julio, ‘Ano kaya kung gawin ko itong side hustle?’ Because nag-aaral pa siya. ‘On weekends, I can do this.’ It’s like a sideline.”

“Sabi nila, ‘Mom, we’re just gonna do it as a side hustle,’” ani Gelli. “So, sige gawin natin. Nag-testing-testing, ganyan-ganyan.

“Dahil nga sa pandemic ito, e. Lumabas sa pandemic, e. Nagkaroon talaga kami ng time na i-testing-testing,” lahad ng aktres.

Pinagtulungan daw ng magkapatid ang paggawa ng biko, sey ni Gelli, “And it’s better kasi mahihirapan si Julio kung siya lang ang gagawa. Matrabaho kaya iyan. Ang daming mga prep.

“Naisipan nila sila ang gagawa. O, yun na nga, doon ipinanganak si Lolo Ben’s Biko,” pagtukoy ni Gelli sa itinayong negosyo ng dalawang anak.

“Gumigising sila ng 5.30 a.m. pag Fridays and Saturdays kasi doon sila nagluluto ng biko, para daw afternoon tapos na sila,” masayang kuwento pa ng “2 Good 2 Be True” actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316589/gelli-ariel-proud-sa-pagtatapos-ng-anak-sa-canada-pero-may-nakalimutang-gawin-sa-graduation
https://bandera.inquirer.net/314800/ariel-ibinuking-ang-sikreto-sa-25-years-na-pagsasama-nila-ni-gelli-bilang-mag-asawa-i-just-listen-to-my-wife-thats-it
https://bandera.inquirer.net/322381/gelli-pigil-na-pigil-ang-pag-iyak-sa-graduation-ng-anak-hindi-ako-pwedeng-umeksena-moment-niya-yun
https://bandera.inquirer.net/297406/ariel-out-na-sa-lunch-out-loud-direk-bobet-may-kinalaman-kaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending