Vice idinaan sa joke ang pagkawala ng kuryente sa ‘Showtime’: Change power kasi binenta ‘yung transmitter!

Vice idinaan sa joke ang pagkawala ng kuryente sa 'Showtime': Change power kasi binenta 'yung transmitter!

NAGULAT ang lahat ng madlang pipol sa loob ng studio matapos mawalan ng kuryente habang nagho-host sina Vice Ganda sa “It’s Showtime” segment na “Miss Q&A” nitong Lunes, Setyembre 26.

Nasa kasagsagan ng kulitan ang mga hosts at mga contestants nang bigla na lang nawalan ng kuryente ngunit bago ang pagkawala nito ay binibiro ng Unkabogable Star kung paano kumain ang isang scholar ang contestant 2.

“Alam mo pati antenna namin, nakain mo. Dapat pagkain lang kinakain mo, pati antenna namin kinakain mo,” biro ni Vice.

Pinakanta naman niya ang contestant at unti-unting nagbalik ang ilaw kasabay ng pag-awit nila ng Christmas song.

“Iba talaga ang ABS-CBN. Kung kailan paalis na ‘yung ulan, tsaka nawawalan ng kuryente,” pagbibiro ni Vice matapos silang kumanta.

Isang staff ang nagsabi na nagkaroon daw ng change power kaya pansamantalang nawalan ng kuryente.

“Change power kasi ibinenta ang transmitter kaya nagkaroon ng change power,” hirit muli ni Vice na ikinatawa ng lahat maging ng iba pang “It’s Showtime” hosts.

Dagdag pa niya, “Change power so dati 110V kami. 220V na lang kami ngayon, extension pa.”

Matatandaang kamakailan lang nang magpasalamat si Willie Revillame on air na naibenta na ng ABS-CBN ang kanilang transmitter sa AMBS na pagmamay-ari ng mga Villar.

“‘Yung antenna ng ABS, may tinidor na lang… may tinidor na lang tapos sasabihin ‘buksan mo nga ng buo ang bintana’,” pabirong sabi ni Vice.

Hirit naman ni Jhong, kaya raw bumalik ang kuryente dahil pinagpag gaya ng ginagawa kapag nawawalan ng signal ang antenna ng TV.

Nagpatuloy naman ang pakikipagkulitan nina Vice sa mga contestants ng “Miss Q&A” nang magbalik ang kuryente.

Matapos ang kulitan ay binasa naman ng Unkabogable Star on air ang nakasulat sa teleprompter na tila abiso upang tapusin muna ang segment para sa commercial upang maiayos muna ang linya ng kuryente sa loob ng studio.

“Next body na ‘yung round 1. Aayusin lang namin ‘yung kuryente,” sey ni Vice.

Hirit pa niya, “Nanawagan po kami sa madlang people, baka may gustong mag-donate ng kuryente.”

Related Chika:
Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Slater Young naka-save ng P16k kada buwan sa binabayarang kuryente, anyare?

Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na

‘Dasal’ hugot ni Vice Ganda, para nga ba kay Bayani Agbayani?

Read more...