Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

SUPER, as in super fan pala ng award-winning P-pop group na SB19 ang singer-comedienne na si Kakai Bautista.

Aba, talagang nag-effort talaga ang komedyana at nakiusap sa “Eat Bulaga” para makita up close and personal ang grupo nang mag-guest sa longest-running noontime show sa Pilipinas.

Last Saturday, September 24, nag-perform ang SB19 sa live episode ng “Eat Bulaga” at doon nga nabigyan ng chance si Kakai para makapagpa-picture sa sikat na sikat na grupo.

Sa ibinahagi niyang video sa Instagram, kitang-kita ang matinding kaligayahan at kilig ng aktres nang makita ang SB19 lalo na ang isa sa mga miyembro nitong si Stell.

Aniya sa caption, “SORRY NAAAAAAAAAA!!!! Nastarstruck ako ih @stell16_.”

Hirit pa ng TV host, “‘Di ko alam kung anong dapat maramdaman sa mga oras na ito. Anezzzzz but thank you sa photo.”


Samantala, sa kanya namang Facebook page, nag-explain ang dalaga kung paano at bakit siya biglaang napapunta sa “Eat Bulaga” studio.

Aniya, ipinagpaalam niya sa mga bossing ng “Eat Bulaga” ang pagbisita sa APT studio para nga personal na makita ang SB19 na kinabibilangan nina Josh, Stell, Ken, Justin at Pablo.

Chika ni Kakai, “So it happened. Thank you Eat Bulaga for allowing me to come and fan girl today!!!!!! Siyempre sa beshie ko (Maja Salvador).”

“‘Di talaga ako pupunta kasi nahihiya ako, bukod sa kailangan ko ng voice rest talaga, nahihiya ako humingi ng mga favors, favors para lang may access to meet and see #sb19 kahit madaming pwede, madaming chance.

“Pinaalam namin ‘yan sa mga boss ng EB bago kami pinayagan pero super push ang beshie ko dahil kilalang -kilala niya ako at alam niya kung gaano ko ka- Love ang esbi,” dagdag pa niyang paliwanag.

Tuwang-tuwa at aliw na aliw naman ang mga netizen sa pagpapakatotoo ng komedyana. As in wala siyang keber sa pagpapaka-fan girl sa SB19.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa nakakakilig na pagkikita nina Kakai at Stell.

“Stell so handsome and so humble!!! Miss kaye fangirling is the sweetest!! When your face turns red and your smiling ear to ear and your heart is pumping so fast…at the same time your mind is telling you to behave…then you’re speechless!! hahhaha …si Stell yan eh!! I can’t imagine how miss Kaye’s day goes by after this encounter with Junard! Love you miss Kaye!!”

“Kinikilig nalang talaga ako para kay miss kakai kanina habang nanonood ng eat bulaga. that should be meee jk!”

“Grabe Ms. Kakai isa kayo sa mga patunay na walang arti-artista sa fandom na’to. Kapag talaga na-appreciate mo ‘yung story, talent at character na meron sila hindi mo mapipigilang mag-fangirl hahahaha feel na feel ko yung emotions sa caption na super relatable thank you for showing your all out support to our mahalima.”

“When an artist idolizes another artists. Ganda kaya ng boses mo Ms. Kai! At ang swerte niyo pareho dahil nagkaroon kayo ng oras to meet each other.”

Kamakailan lamang ay ginanap ang super successful concert ng SB19 sa Araneta Coliseum para sa kanilang first-ever world tour.

https://bandera.inquirer.net/283905/sb19-todo-pasalamat-sa-atins-sila-ang-susi-sa-tagumpay-namin

https://bandera.inquirer.net/281875/walang-pera-pera-ngayon-walang-fame-walang-everything-we-are-powerless

https://bandera.inquirer.net/288316/ryan-kakai-trending-sa-socmed-matapos-maturukan
https://bandera.inquirer.net/319274/hindi-lahat-ng-babae-pangarap-magka-boyfriend-at-hindi-lahat-ng-babae-gustong-mag-asawa-at-magkaanak

Read more...