'Hoy, Love You' nina Joross at Roxanne ikinukumpara sa 'John en Marsha' sina Dolphy at Nida Blanca | Bandera

‘Hoy, Love You’ nina Joross at Roxanne ikinukumpara sa ‘John en Marsha’ sina Dolphy at Nida Blanca

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

‘Hoy, Love You’ nina Joross at Roxanne ikinukumpara sa ‘John en Marsha’ sina Dolphy at Nida Blanca

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 11:56 AM

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo

NAKA-JACKPOT ang tambalang Roxanne Guinoo at Joross Gamboa sa family at romcom series na “Hoy Love You” ng iWantTFC.

In fairness, patok na patok sa manonood ang online show ng “JoRox” kaya naman nagdesisyon ang ABS-CBN at iWantTFC na ituluy-tuloy pa rin ang programa.

After nga ng matagumpay na  dalawang season, hahataw na ang third book ng “Hoy Love You” kung saan mas marami pang pasabog at sorpresa para sa loyal viewers nito.

Ibig sabihin lang nito, talagang buhay na buhay pa rin ang magic at powers ng loveteam nina Roxanne at Joross na nagsimula sa reality talent search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest”.

Marami kaming nababasa sa social media mula sa netizens na nagkokomento sa napakalakas na chemistry ng JoRox kahit pa nga may sari-sarili na silang pamilya.

Sa presscon ng 3rd season ng “Hoy Love You”, natanong namin ang magka-loveteam kung ano ang reaksyon nila sa nagsasabing may “John en Marsha” feel ang kanilang online serye.

Ilang taon ding namayagpag sa telebisyon (nagkaroon din ng movie version) ang nasabing sitcom ng yumaong Comedy King na si Dolpy at award-winning actress na si Nida Blanca.

Sagot ni Roxanne, “Siyempre, pangmalakasan level yun. Pero ime-make sure namin na tatak din kami as JoRox. Privileged at advantage sa amin na gano’n. Pero siyempre, pressure yun.”

View this post on Instagram

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


“Malaking factor talaga kapag original loveteam kayo. Kahit anong i-break sa inyo, kahit i-partner sa iba, mag-e-end up kayo pa rin. Yung rapport, yung chemistry, alam na namin yung isa’t isa. 

“Kahit may kanya-kanya na kaming pamilya, alam namin…ito (Joross), lagi rin akong gina-guide Nito. Minsan nga siya na nagdadala sa akin. Wala nang ilangan,” aniya pa.

Para naman kay Joross, “Ang maganda dito, hindi about JoRox yung palabas. Kaming lahat dito. Kumbaga, ang bida rito is yung istorya na ikinukwento ng ‘Hoy’ family.

“Ang kagandahan dito, lahat makaka-relate. Hindi lang yung mga JoRox fans, pati mga Papa Doms (Dominic Ochoa) fans,” sabi pa niya.

Kasama rin sa show ang Kapamilya loveteam na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza, Carmi Martin, Dominic Ochoa, Keanna Reeves, Yamyam Gucong, Pepe Herrera, at TJ Valderrama. 

* * *

Three times the fun at kilig ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na “Hoy, Love You.” 

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC. 

Sabik na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne) na madagdagan ang kanilang pamilya ngunit masusubukan ang kanilang relasyon nang malaman nilang maselan ang pagbubuntis ni Marge. Kahit na nahihirapang pagsabayin ang trabaho at pamilya, gagawin naman ni Jules ang lahat para alagaan ang kanyang misis. 

Madadagdagan ang problema ng mag-asawa dahil kay Richard (Dominic Ochoa), ang ex ni Marge na magiging ka-kompetisyon din ni Jules sa bago niyang negosyo. Bukod sa pangingialam ni Richard, makikisawsaw din sina Elizabeth (Carmi Martin) at Malu (Keanna Reeves), ang mga nanay nina Marge at Jules, dahil pagtatalunan nila ang mga pamahiin sa pagbubuntis ni Marge.

Samantala, pwede nang gawing official nina Charles (Aljon Mendoza) at Kara (Karina Bautista) ang kanilang relasyon pero hahadlang sa kanilang pag-iibigan si Kulas (Race Matias), ang kababata ni Kara na pagseselosan ni Charles. Hindi lang si Charles ang magkaka-love life dahil magdadalaga na si JR (Brenna Garcia) at mahuhulog ang loob nito kay Kulas. 

Maglelevel-up din ang kwelang samahan nina Drew (TJ Valderrama), Bart (Yamyam Gucong), at Tommy (Pepe Herrera) dahil ma-iinlove si Tommy sa isang maganda at misteryosong dayo na si Agnes (Kate Alejandrino), na pinaghihinalahan ng iba na isa siyang aswang. 

Paano malalagpasan nina Jules at Marge ang mga pagsubok para sa una nilang baby?

Nagbabalik para magdala ng ‘good vibes’ sa season 3 ang istriktong lolo ni Kara na si Lou Veloso, at ang bagong cast member na si Donna Cariaga. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Hoy, Love You” ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). 

Cast ng ‘Hoy Love You’, gamay na ang galawan ng bawat isa, Direk Theodore tuwang-tuwa: Walang sapawan!

Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian

Roxanne may mga ‘bawal’ nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko

Joross, Kat nawalay sa mga anak sa pagpasok ng Bagong Taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending