Donita Rose ikinasal na kay Felson Palad

 Donita Rose ikinasal na kay Felson Palad
IKINASAL na nga ang TV host-actress na si Donita Rose sa kanyang non-showbiz partner na si Felson Palad ngayong araw, September 24, 2022.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang mga larawan na kuha mula sa kanilang wedding ceremony.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever,” caption ni Donita na hango sa Psalm 23:6.

Tila intimate ang naging kasal ng dalawa na ginanap sa San Clemente, California, USA.

Umulan naman ng congratulatory messages ang naturang wedding post ni Donita mula sa mga netizens at mga kaibigan nito sa industriya.

“So much love! Brb crying love you!” saad ni Krista Ranillo.

Comment naman ni KC Concepcion, “OMG yesssss. Congratulations Ate D!”

“Maligayang bati sa inyong pag-iisang dibdib ! Nawa’y biyayaan kayo ng Panginoon ng masaya at masaganang pagsasama kahit limang taon… este habangbuhay!” sey naman ni Janno Gibbs.

Hirit naman ni Gelli de Belen, “OMG so happy for you!!!! Congratulations and best wishes Barbiedoll!!!!!”

Funny naman ang naging caption ng post ng asawa ni Donita sa kanyang Instagram post.

“Finally I’m no longer a virgin. It took 37 years,” sey ni Felson.

Matatandaang taong 2021 nang magdesisyon si Donita na mag-migrate pa-Amerika kasama ang kanyang anak kay Eric Villarama na si JP.

Mayo 2022 naman nang isapubliko ng aktres ang kanilang relasyon ni Felson na ngayon nga’y asawa na niya.

Related Chika:
Pag-amin ni Donita Rose sa relasyon nila ni Felson Palad ninega ng bashers: Napakasakit sa akin…

Donita Rose engaged na sa dyowang singer at worship leader; mga kaibigang celebs super happy

Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas

Donita Rose may pa-dyowa reveal: That’s Felson Palad for you peeps

Read more...