Donita Rose engaged na sa dyowang singer at worship leader; mga kaibigang celebs super happy | Bandera

Donita Rose engaged na sa dyowang singer at worship leader; mga kaibigang celebs super happy

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Donita Rose engaged na sa dyowang singer at worship leader; mga kaibigang celebs super happy

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 01:49 PM

Donita Rose at Felson Palad

IBINANDERA ng TV host-actress na si Donita Rose sa buong universe ang bagong good news sa kanyang personal life ngayong araw, May 30.

Ito na nga ang simula ng kanyang “journey to forever” kasama ang boyfriend na si Felson Palad na nag-propose na nga sa kanya kamakailan.

Yes, engaged na sina Donita at Felson at ibinahagi ito ng aktres sa kanyang Instagram account ngayong araw kalakip ang sweet photo nila ng kanyang fiancé.

Sa nasabing IG photo, kitang-kita ang suot na engagement ring ni Donita na may caption na, “Am now officially engaged!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)


Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati mula sa mga IG followers ng aktres at TV host, kabilang na ang kanyang mga celebrity friends.

Mensahe ni Ruffa Gutierrez, “You finally told the world!! Congratulations, girl!! You beat us all to it!!”

“Yun ohhhhhh we kept our mouth shut hahaha congeatulations again. we are Happy for both of you!” pagbati ni Vina Morales.

Hirit ni Gelli de Belen sa bagong kabanata sa lovelife ng kaibigan, “Wowwwwww Congratulations Barbiedoll!!!! So happy for you. @dashofdonita.”

Post naman ni Jaya, “Yes!!! So happy for you guys and thank you for letting us know agad agad hahah that was such an honor for Gary & I. God bless your new journey.”

“Oh wow!! Congratulations. Happy for both of you as im a witness how it all started!” post naman ni Ruby Rodriguez.

“Congratulations! Prayers for your up coming nuptials! So happy that you are happy D!” mensahe ni Jackie Forster.

Ang ilan pa sa mga bumati kina Donita at Felson ay sina Pops Fernandez, Janno Gibbs, Geneva Cruz, Assunta de Rossi, Michelle Madrigal, Pinky Webb, Ana Roces at marami pang iba.

Sa isang panayam, sinabi ng engaged couple na “answered prayer” ang kanilang pagtatagpo at pareho silang umaasang sila na nga ang itinadhana para sa isa’t isa.

Ayon kay Felson, nagkita at nagkakilala sila noong January, 2022, at unang kita pa lang daw niya sa aktres ay humanga na siya rito dahil wala itong kaarte-arteng kumain sa harap niya.

Inamin din niya na high school pa lang siya ay crush na niya si Donita lalo na noong maging MTV VJ pa ito sa Singapore.

Nagulat naman si Donita nang  magpahayag agad si Felson ng intensiyon nito sa kanya, “Sabi niya, ‘I want you to know na I’m not messing around. Ayaw kitang takutin pero, kung maaari, may balak ako pakasalan ka.’ And this is our first real meet-up, ah.”

Sabi ni Donita, nagdalawang-isip siya nu’ng una na i-entertain si Felson dahil 10 years ang agwat ng kanilang edad. Ngunit nang dahil sa pareho silang passionate sa kanilang Christian faith, binigyan niya ito ng chance.

“Lord, ganyan ang gusto ko. Sobrang happy ako na sinagot ni Lord lahat ng requests ko sa kanya sa pamamagitan ni FPJ,” ani Donita sa isang interview na ang tinutukoy na FPJ ay si Felson na ang tunay na pangalan ay Felson Palad, Jr..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parehong naninirahan sina Donita at Felson sa Los Angeles, California sa US. Isa nang celebrity chef doon si Donita habang professional singer sa retirement homes at worship leader sa Christian community nito si Felson.

Pag-amin ni Donita Rose sa relasyon nila ni Felson Palad ninega ng bashers: Napakasakit sa akin…

Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas

Donita Rose certified chef na sa Amerika; may mga pasabog kasama si G Tongi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending