Heart Evangelista umalis na sa bahay nila ni Chiz Escudero; nali-link na Italian guy beki raw?

Heart Evangelista umalis na sa bahay nila ni Chiz Escudero; nali-link na Italian guy beki raw?
MAY panibago na namang chika ukol sa relasyon ng actress-vlogger na si Heart Evangelista at sa asawa niyang si Sen. Chiz Escudero.

Sa latest vlog nina Cristy Fermin na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Morly Alinio at Romel Chika ay muli na naman nilang napag-usapan ang isa sa mga controversial couple ngayong taon.

“Ito na naman po ang latest. Umalis na po si Heart Evangelista sa bahay nila ni Sen. Chiz. Naka-condo na siya ngayon. Humiwalay na siya. Ano na naman ang ibig sabihin n’yan?” saad ni ‘Nay Cristy.

Chika nila, marami tuloy sa mga Marites ang tila napapaisip at nagsasabing “confirmed” na nga ang mga balitang paghihiwalay ng dalawa base na rin sa mga ginagawa ng actress-vlogger.

Napag-usapan rin nila ang mga naunang bulung-bulungan sa relasyon nina Heart at Chiz gaya ng aksidenteng may nabuntis ng senador at ang pagkakal-link ni Heart sa isang italyano.

Wala namang ebidensya patungkol sa mga isyung kinakaharap nila lalo na’t wala rin namang direktang kompirmasyon mula sa panig ng mag-asawa.

Dito ay napag-usapan na nga nila ang lalaking nadidikit ngayon sa actress-vlogger.

“E kaso lumabas ang katotohanan na ‘yun palang sinasabing lalaki na nauugnay ngayon kay Heart na isang italyano, isang banyaga, girlash daw,” lahad ni ‘Nay Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Beki raw po ang nauugnay ngaton na lagi niyang kasama sa pagrampa-rampa sa ibang bansa.”

Sey pa ni ‘Nay Cristy, Alex daw ang pangalan ng lalaking palagi niyang kasama.

“Kahit sino ngayon ang makasama nilang mag-asawa, ituturo na ‘yun ang dahilan ng hiwalayan. Kahit sino,” hirit pa niya.

Segunda naman ni Morly, “Pwede kasi nag-iisip ang mga tao, nagtititingin. Yung mga Marites nagmamasid kung ano nga ba ang pwedeng maging dahilan ng hiwalayan.”

“Huwag ka kasing nagbibigay ng mga insinwasyon na syempre kakagatin ng publiko at iisipin na totoo na kayong hiwalay na kayong mag-asawa,” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.

Related Chika:
Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Read more...