Julia Barretto sa chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson: I do feel safe in this relationship

Julia Barretto sa chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson: I do feel safe in this relationship
PINABULAANAN ni Julia Barretto ang mga bulung-bulungan patungkol sa diumano’y hiwalayan nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Diretsahang nilinaw ng aktres sa kanyang panayam kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube vlog nito ay walang katotohanan ang chikang nag-break na sila ng kasintahan.

“Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up. I think that’s a sign na, you know, we are really able to protect our relationship and keep it private,” nakangiting saad ni Julia.

Marami kasi ang kumalat sa social media na si Kylie Padilla ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald at may mga chika pa ngang nabuntis raw ng aktor si anak ni Robin Padilla.

Sa mga ilang videos na mapapanood sa YouTube at TikTok ay makikita ang mga larawan ni Kylie may baby bump na at kasa-kasama nito ang dyowa ni Julia.

Itinanggi naman ni Gerald sa naging panayam niya sa talent manager na si Ogie Diaz ang balita at sinabing maghintay na lang daw ng nine months para makumpirma ang chika.

Matatandaang lumipad noon pa-Switzerland sina Kylie at Gerald para magtambal sa isang OFW-themed movie na “Unravel”.

Tiwalang tiwala naman si Julia sa relasyon na mayroon sila ni Gerald Anderson sa kabila ng mga patutsada ng ibang Marites na hindi malayong maghiwalay rin sila ni Gerald.

Alam niya at nararamdaman niya na hindi siya sasaktan ng kasintahan.

“I don’t think I’ll get into a relationship with somebody na I don’t trust. So, I do trust him and he shows me that every single day, there’s just no reason for me to doubt,” sey ni Julia.

Bukod pa rito, ramdam niya na nasa seryosong estado na sila ng kanilang relasyon at panatag siya dito.

“Serious. I would say, I do feel safe in this relationship,”chika pa ni Julia:

At nang tanungin naman siya kung nalalapit na nga ba ang kanyang pag-aasawa, sinabi niyang hindi ata siya ang dapat siya ang sumagot sa ganitong katanungan pero ramdam naman niya na “very secured” siya sa relationship nila ni Gerald.

“I don’t think that’s up to me, I don’t think that’s up to me. But I think it will come at the right time. But I do feel very secured in the relationship we have and we are really happy. I don’t have anything to worry about,” lahad ni Julia.

At sa tanong kung ano ang kaibahan ng kanyang relasyon kay Gerald sa mga nakaraan niyang nakarelasyon, sinabi ng aktres na iba ang level ng security na nararamdaman niya sa kanilang dalawa.

Hirit pa niya, “The sense of security that I have, the sense of calm that I have, his kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good.”

Related Chika:
Julia Barretto hindi inurungan ang pang-aasar ni Matteo sa kanya: Pwede nating i-mention ‘yung…

Pia Wurtzbach super ‘safe’ sa relasyon nila ni Jeremy Jauncey: The best feeling for a girl

Julia Barretto napakaseksi sa ‘Expensive Candy’, nakipagsabayan ng halikan at aktingan kay Carlo Aquino

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Read more...