Julia Barretto napakaseksi sa 'Expensive Candy', nakipagsabayan ng halikan at aktingan kay Carlo Aquino | Bandera

Julia Barretto napakaseksi sa ‘Expensive Candy’, nakipagsabayan ng halikan at aktingan kay Carlo Aquino

Ervin Santiago |September 06,2022
facebook
share this

Julia Barretto napakaseksi sa ‘Expensive Candy’, nakipagsabayan ng halikan at aktingan kay Carlo Aquino

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 03:14 PM

Julia Barretto super sexy sa Expensive Candy, nakipaghalikan kay Carlo Aquino

Julia Barretto at Carlo Aquino

IN FAIRNESS, na-enjoy namin ang latest offering ng Viva Films, ang romantic at medyo sexy na “Expensive Candy” na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Maganda ang tema at konsepto ng pelikula na umiikot sa buhay ng isang “pokpok” na si Candy played by Julia at sa virgin na teacher na si Toto, na ginagampanan naman ni Carlo.

Napanood namin ang pelikula kagabi sa ginanap na premiere night nito sa The Block na dinaluhan ng buong cast sa pangunguna nina Carlo at Julia. Present din sa event ang nanay ng aktres na si Marjorie Barretto pati na ang kanyang mga kapatid.

Totoo nga ang sinabi ni Direk Jason Paul Laxamana sa amin na hindi malaswa o bastos ang kanilang pelikula na siyang una mong maiisip kapag napanood mo ang trailer nito.

Kahit na nga sex worker ang role ni Julia sa “Expensive Candy” na naghahangad na yumaman at makaahon sa hirap at isang guro naman si Carlo na gusto nang mabinyagan at makatikim ng sex, hindi kinailangang tumodo sa matitinding halikan at sex scenes ang dalawang bida.

Pero talaga namang napakaganda at napakaseksi ni Julia sa pelikula, masasabi naming naalagan nang bonggang-bongga ni Direk JP ang dalaga sa bawat eksena niya, lalo na ang mga dance sequence niya.

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto)


Siguradong masa-shock ang ilan sa mga batang fans ni Julia kapag napanood nila ang aktres sa “Expensive Candy” pero sure na sure rin kami na magiging proud ang mga ito sa ipinakitang performance ng aktres sa movie.

Talagang nakipagsabayan din siya sa aktingan kay Carlo na given na ang galing sa pag-arte. Nag-shine talaga si Julia sa ilang drama moments nila ni Carlo lalo na nang magkabukingan na ng mga sikreto.

May ilang butas lang ang pagkakalahad sa “Expensive Candy” pero palalampasin mo na ito dahil mas gusto mong sabayan at tutukan ang journey ng love story nina Candy at Toto na siguradong marami ang makaka-relate lalo na yung mga sex workers at teachers.

Para sa amin, makatotohanan din ang ending ng “Expensive Candy” at kahit sino ang tangunin namin na nakapanood nito kagabi sa premiere night, iisa lang ang kanilang komento, tama lang ang naging katapusan ng love story nina Toto at Candy.

And yes, ibang Julia talaga ang makikita sa pelikulang ito na magpapatunay ng versatility ng tinaguriang Viva Prime Actress.

Sabi nga ng aktres, “I’m so, so, so excited for everybody to see this. It’s like nothing that I’ve ever done before. I’d like to believe it’s a coming-of-age film.”

Kwento nga ito ng pag-ibig na mahahanap sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon. Si Toto Camaya (Carlo) ay isang high school teacher na mala-love at first sight kay Candy (Julia) matapos nitong bayaran ang isang gabi para makasama ang dalaga.

Iba ang dating at hindi mawala sa isip ni Toto si Candy, kaya susubukan niyang mapalapit dito at makasama araw-araw, gabi-gabi. Kahit na mahirap at ma-effort, kahit bayaran pa niya ang oras nito.

Isang simpleng lalaki na may simpleng pamumuhay, ang tanging pangarap lang ni Toto ay ang makasama si Candy, at handa siyang gawin ang kahit na ano at ibigay ang lahat para dito.

Pero may ibang plano si Candy, at hindi ‘yon ang makasama at maging sila ni Toto. Gusto niyang yumaman at umangat sa buhay habang ginagawa ang bagay na alam niyang magaling siya — ang mang-akit ng mayayamang lalaki na bibigyan siya ng maraming pera para mamumuhay ng payapa at marangya.

Mabago pa kaya ni Toto ang isip ni Candy at tuluyang ibahin ang pangarap nito? O magigising sa katotohanan si Toto at tatanggapin na mahal mahalin ang isang gaya ni Candy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas na sa mga sinehan ngayong September 14 ang “Expensive Candy” mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana na siya ring nagdirek ng blockbuster hits na “100 Tula Para Kay Stella,” “The Day After Valentine’s” at “Just A Stranger.”

Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa ‘Expensive Candy’: Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka

Hugot ni Carlo: Dapat ang love hindi judgmental, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo

Julia ayaw nang ipangalandakan ang relasyon kay Gerald: I’ve learned to be protective of my personal life

Dating direktor ng ‘Probinsyano’ pumanaw na matapos tamaan ng COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending