LABIS ang kilig ng singer na si Sheryn Regis nang makatanggap siya ng regalo mula sa kanyang partner na si Mel De Guia.
Sa kanyang Instagram account at ibinandera niya ang singsing na bigay sa kanya ng dyowa bilang anniversary gift.
“Langga @meldeguia_ My heart leaps with joy and excitement because of this beautiful surprise 1st Anniversary gift but most of all I am grateful,” saad ni Sheryn.
Aniya, napakarami niyang nais sabihin sa kanyang partner sa lahat ng mga ginawa at patuloy nitong ginagawa para iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.
“I have a lot of words to utter from my heart to thank you for everything that you have done for me. Thank you for the unconditional love. 1st year of being together speaks a lot of love,happiness, tears and joy of the challenges we encountered in our everyday lives,” pagpapatuloy pa ni Sheryn.
Dagdag pa niya, “I thank the Lord for giving me YOU. I love you more and more each day. Happy 1st Anniversary to us Langga ko.”
Hindi naman nagpakabog ang partner ni Sheryn at nag-reply sa kanyang IG post.
“I love you always,” sey ni Mel.
Super happy and kilig rin ang nararamdaman ng mga netizens sa tamis ng pagmamahalan ng dalawa.
“Super happy for you both ma!!! Happy anniversary,” sey ng isa nilang kaibigan.
Comment naman ng isa, “I am so happy for the both of you parentals. Always here to support you. I love you.”
“You look amazing together!! Cheers to many more years!!” sey naman ng isa.
Matatandaang noong December 2021 nang unang umugong ang chika kung magdyowa nga ba sina Sheryn at Mel matapos mapanood ng mga netizens ang TikTok video kung saan sweet na sweet ang dalawa.
Matapos nga nito ay tuluyan na ring kinumpirma ng mang-aawit ang kanilang relasyon.
Related Chika:
Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra
Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?
Sheryn Regis pinayuhan ni Cristy Fermin sa pagiging ‘PDA’ sa dyowa: Decency!
Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?