AI AI tigang uli sa lalaki: Okay lang, pahinga muna ang puso!
Nilinaw na ni kafatid na Ai Ai delas Alas na wala pa rin siyang bagong boyfriend ngayon. ‘Yung lumabas na issue sa pagitan nila ng isang foreigner businessman, wala raw katotohanan ‘yun, manager daw ‘yun ng isang produktong ine-endorse niya.
Sa ngayon, waiting pa rin siya kung may darating pang lalaki sa buhay niya, but she clarified na hindi naman daw totoong na-trauma na siyang magmahal uli.
“Siguro may plano pa ang Diyos sa akin na lahat tayo hindi pa natin alam pero, sabi nga nila, si God ay may perfect timing. May ibibigay siya sa oras na gusto niya.
Kung ano ‘yung perfect timing Niya, ‘yun ang best na ibibigay niya para sa iyo,” ang paniniwala ng Comedy Queen. Nu’ng huling makausap ng media si Ai Ai sa presscon ng bago niyang pelikula with Marian Rivera, ang “Kung Fu Divas” sinabi rin niyang ayaw na niyang magdyowa ng bagets.
Mag-iipon na lang daw siya para sa mga anak niya. Sinabi pa nga ni kafatid na Ai i, “For the record, hindi pa ako ready for anything. Friends, why not. Pero hindi pa ako ready sa seryoso na relationship.”
Nasa healing process pa rin daw kasi siya, “Ang tao kasi, lahat naman tao, kailangan natin ng time. Hindi lahat ng tao, pare-pareho ang healing process.
May madali, may hindi madali. Pero lahat tayo darating doon sa tamang time.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.