PUMALAG ang aktor na si Romnick Sarmenta sa balita patungkol sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa kabila ng banta ng nakahahawang sakit na COVID-19.
Nitong Lunes, Setyembre 12, inanunsyo na ng Malacañang na aprubado na ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng Executive Order No. 3 ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga open spaces na may maayos na bentilasyon at hindi gaano karaming tao.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ni Romnick ang kanyang opinyon patungkol sa anunsyo ng Malacañang.
“So people think that wearing a mask is an inconvenience. But is it more convenient to risk the elderly and those with weaker resistance?” saad ng aktor.
Dagdag pa ni Romnick, “I wear a mask for others. #keepyourmaskon”
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang tweet ng aktor.
Marami ang um-agree sa pahayag ni Romnick na manatili sa pagsusuot ng facemask.
“Agree! One of my best friends just died last Thursday due to Covid! The Dad of my other best friend is still in the hospital for a week now, also due to Covid! Covid is real and we fight back by getting vaxxed and wearing our masks,” saad ng netizen.
Comment pa ng isang netizen sa post ni Romnick, “Me too sir. Actually, why are those people eager to lift wearing mask it’s because they can’t/hard for them to show their expensive makeup/make over! That’s the truth, nothing more, nothing less!”
“The best reason to continue wearing masks. Doing it for others. Doing it in recognition of a sense of community. If the country is to ever rise up from the pandemic, all should be in it together. While at it, people and government must partner to get vaccination rates up,” sey pa ng isa.
At kung may mga sumang-ayon kay Romnick ay may mga nag-react rin at sinabing boluntaryo naman daw ang hindi pagsusuot ng face masks.
Matatandaang inanunsyo na ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa Palace press briefing noong Lunes, Setyembre 12 ang patungkol sa EO No. 3.
So people think that wearing a mask is an inconvenience. But is it more convenient to risk the elderly and those with weaker resistance?
I wear a mask for others.#keepyourmaskon
— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) September 12, 2022
“Naglabas po tayo today ng Executive Order No. 3 allowing voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the Covid-19 pandemic,” saad niya.
Ayon rin sa EO No. 3, “Face masks shall continue to be worn in indoor private or public establishments, including public transportation by land, air, or sea, and in outdoor settings where physical distancing cannot be maintained.”
Related Chika:
Romnick Sarmenta nagpasaring sa taong ginagawang excuse ang ‘art’ sa pagbabago ng katotohanan
Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?