Barbie Imperial sa pagkaka-link noon kay JM de Guzman: Hindi kami fubu

Barbie Imperial sa pagkaka-link noon kay JM de Guzman: Hindi kami fubu
ITINANGGI ng aktres na si Barbie Imperial na hindi lang basta “normalan” ang namagitan sa kanila ng aktor na si JM de Guzman.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay diretsahang sinagot ng aktres ang mga rumors o kontrobersyal na tsismis patungkol sa kanya.

May mga kumalat kasi noon na fubu o F*ck Buddies daw sina Barbie at JM.

Agad naman itong itinanggi ng dalaga at sinabing hindi naman daw sila naging F*ck Buddies.

“Uy grabe, hindi naman fubu. May emotions naman ‘yun. Saka wala namang nangyari sa… joke lang,” natatawang saad ni Barbie.

Aniya, nagkaroon daw talaga siya ng feelings para sa Kapamilya actor.

“Hindi, it wasn’t just fubu. Ako siyempre ni-love ko talaga si [J]M. ‘Di ba nga sabi ko sa recent vlog ko na kahit hindi ex minahal pa rin talaga. Hindi. Hindi kami fubu, may emotions ‘yon. Like, minahal talaga,” paglilinaw pa ni Barbie.

Matatandaang nagkasama ang dalawa noon sa isang Kapamilya teleserye na “Precious Hearts Romances: Araw Gabi”.

Matapos nga ng kanilang proyekto ay umugong ang balitang may “something” na namamagitan kina Barbie at JM.

Pero ayon na rin sa dalaga, noong mga panahong iyon ay parehas silang “wasak” kaya naman hindi na natuloy sa pagiging mag-dyowa ang relasyon nila.

Lahad ni Barbie sa isang panayam noong 2019, “Kakabreak ko lang din po noon e, kay Paul [Salas]. Parang masyadong mabilis. July nung nag-break kami ni Paul tapos si [J]M kasi lagi siyang nandoon talaga para sa’kin eh.”

Chika pa niya, parehas silang nasa healing stage noon kaya naman naging malapit agad ang loob nila sa isa’t isa.

“Sinabi naman po namin dati na parang ‘di pa siya okay din. So parang kaming dalawa po, dalawang tao na wasak. Tinatry namin parehong ayusin ‘yung isa’t isa. Buoin ‘yung isa’t isa,” sey ni Barbie.

Dagdag pa niya, “Pero hindi po pala pwede ‘yon. Dapat parang meron at least isang tao na buo kasi ang hirap kung wasak ka na nga, tapos wasak din ‘yung aayusin mo. Paano mo aayusin ‘yung sarli mo?”

Pero mukha namang masaya ang puso ni Barbie sa ngayon dahil kahit walang direktang pag-amin ay mukhang happy ito sa isang politiko na nakakasama niyang lumabas nang makailang beses.

Related Chika:
JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Daniel, Kathryn, Barbie iniintriga ni Christian Gaza: May alam ako…

Read more...