Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak: Yung baby ko, baby ko lang yun, akin lang po... | Bandera

Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak: Yung baby ko, baby ko lang yun, akin lang po…

Ervin Santiago |September 14,2022
facebook
share this

Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak: Yung baby ko, baby ko lang yun, akin lang po…

Ervin Santiago - September 14, 2022 - 07:31 AM

Zeinab Harake at Baby Bia

WALANG balak ang social media superstar at vlogger na si Zeinab Harake na ipakilala pa ang anak sa dati niyang karelasyon na si Skusta Clee.

Kitang-kita sa itsura ngayon ni Zeinab ang kaligayahan nang humarap siya sa members ng entertainment media kamakailan bilang bagong brand ambassador ng Beautederm Corporation na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan.

Siyempre, isa sa mga rason ng kaligayahan niya ngayon ay ang pagkakaroon ng bagong karelasyon pero sey ng YouTuber, mas gusto raw niyang maging pribado muna ang lovelife.

Kasama raw ni Zeinab ang bagong dyowa sa ginanap na grand opening mall show ng Beautederm sa Ayala Malls Cloverleaf last Sunday, September 11 pero hindi namin ito namataan doon.

“Okay lang naman na malaman ng kahit na sino, e. Okay lang na private, pero hindi mo itinatago.

View this post on Instagram

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


“Okay na ako sa ganu’ng set-up, e. Kasi, ang hirap ng lahat nilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments. Ang hindi yun naging okay sa mental health ko before.

“So, natuto na ako ngayon. Low-key but not private po. Okay na ako nu’n,” aniya.

Dagdag pa ni Zeinab, “Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take. Natutunan ko na yung salitang give and take, kasi ako po yung klase ng tao na madalas na…giver kasi ako, e.

“Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako,” aniya pa.

Isa raw sa mga natutunan niya sa paghihiwalay nila ni Skusta na tatay ng kanyang anak, “Dapat marunong kang mag-balance sa time mo sa work, sa time mo sa sarili mo. Time mo sa love life, sa anak mo.

“Dapat ma-balance mo at ma-manage mo nang sabay-sabay. Kasi dati, parang buong araw ko, du’n ako naka-focus, e,” diin ng content creator.

Sa ngayon ay wala raw siyang natatanggap na financial support mula kay Skusta Clee para sa anak nila at hindi na rin daw siya umaasa. Kering-keri naman daw niyang buhayin mag-isa ang anak.

Wala rin daw siyang plano na ipakilala pa ang anak sa ama nito, “Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko, baby ko lang po yun. Akin lang po yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mommy, Daddy niya ako, okay na ako du’n. Proud ako na sinasabi ko yun. Ma Pa nga ang tawag niya sa akin, e,” sey ni Zeinab.

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending