Willie, Toni sanib-pwersa sa pagbubukas ng ALLTV: Hindi lang ito serbisyo ng pamimigay ng pera, kasiyahan at kabuhayan showcase... | Bandera

Willie, Toni sanib-pwersa sa pagbubukas ng ALLTV: Hindi lang ito serbisyo ng pamimigay ng pera, kasiyahan at kabuhayan showcase…

Ervin Santiago - September 13, 2022 - 04:59 PM

Willie Revillame at Toni Gonzaga

Willie Revillame at Toni Gonzaga

PORMAL nang binuksan at ipinakilala sa sambayanang Filipino ngayong araw ang pinakabagong network sa bansa, ang ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Eksaktong alas-dose ng tanghali kanina, nagsimulang umere ang  ALLTV sa free TV na pag-aari ng pamilya ng dating senador na si Manny Villar.

Sa pangunguna nina Willie Revillame at Toni Gonzaga, ibinandera nga ang pagbubukas at pagsisimula ng operasyon o soft launch ng AMBS Channel 2.

Nagsilbing stage ng dalawang dating Kapamilya stars ang rooftop at helipad ng Wil Tower Mall sa Quezon City, na matatagpuan sa harap ng ABS-CB compound.

Pasabog naman ang mahigit 13 minutong opening number ng ALLTV kung saan humataw ang iba’t ibang grupo ng mga dancer kasama nina Ella Cruz, Mannex Manhattan at DJ Loonyo.

Napanood ito ng mga televiewers nang live mula sa Palazzo Verde, Las Piñas City.

Sa simulang bahagi ng isinagawang soft launch ng ALLTV, excited na ipinakilala ni Willie si Toni bilang co-host at binalikan ang mga kaganapan noong magkasama pa sila sa ABS-CBN.

Dito nga nabanggit ni Willie ang pagsasama-sama nila noon nina Toni at Mariel Rodriguez bilang original hosts ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN noong 2005. Si Willie ang nagsilbing main eviction host ng show noon.

Sey ni Toni, “Sobrang saya ko rin na muling makasama si Kuya Wil. Ang tagal Kuya Wil ng huli nating pagsasama, ngayon na lang uli. Na-miss kita.”

Sey naman ni Willie, “Ako rin. Para malaman niyo lang ho, ako, siya, at si Mariel ang original mga host ng Pinoy, pero Channel 2 pa rin yun.”

Hirit naman ni Toni, “Pero naisip ko, tayong mga Filipino, pare-pareho tayong mga Filipino. Dapat tayong nagmamahalan, nagkakaisa, nagtutulungan para makapagbigay ng serbisyo sa taumbayan.

“Hindi lang serbisyo ng pamimigay ng pera, ng kasiyahan, ng kabuhayan showcase. Pamimigay ng inspirasyon, pag-asa, at masayang bukas para sa lahat ng mga nanonood,” aniya pa.

Samantala, nataon naman ang pagbubukas ng ALLTV sa 65th birthday ni President Ferdinand Marcos, Jr..

Kaya nabanggit ni Toni na tutukan din ang pagsisimula ng “Toni Talks” sa ALLTV kung saan mapapanood sa pilot episode ang kanyang Malacañang Tour at exclusive interview kay Pangulong Bongbong.

Habang sinusulat namin ito ay ipinalalabas na nga ang nasabing talk show sa ALLTV na nagsimula kaninang alas-4:30 ng hapon.

Sabi ni Willie, “Ang ganda naman, ha? Birthday ng ating mahal na Pangulo. Birthday ng bagong Channel 2, ibig sabihin, hindi lang ito ang tahanan ninyo. Kami, kakatok din sa mga tahanan ninyo, araw-araw.

“Starting tomorrow, September 14, 3:30 p.m. tayo magsisimula. Ang ating mga back-to-back teleserye, mga Koreanovela, abangan niyo po ‘yan,” sabi pa ng TV host.

Ang iba pang celebrities na magkakaroon ng show sa ALLTV ay sina Anthony Taberna, Mariel Rodriguez at marami pang iba.

Related Chikas:

https://bandera.inquirer.net/323837/toni-gonzaga-p500-m-ang-talent-fee-sa-tv-network-ng-pamilya-villar-may-pasabog-na-interview-kay-bongbong-marcos

https://bandera.inquirer.net/323308/willie-sa-pagbubukas-ng-alltv-magugulat-kayo-kung-sinu-sino-ang-aming-mga-makakasama-at-bukas-kami-para-sa-lahat

https://bandera.inquirer.net/323304/ka-tunying-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv-ni-manny-villar-ngayon-lang-nakaranas-ng-signing-ceremony

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/323560/mariel-padilla-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv-the-easiest-decision-i-have-ever-made

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending