Bb. Pilipinas 2nd runner-up Stacey Gabriel walang aatrasang tanong, game na game sa Q&A
BUMILIB ang mga manonood ng Binibining Pilipinas pageant sa mahusay na talumpati at sagot ni second runner-up Stacey Daniella Gabriel sa coronation night ng patimpalak nitong Hunyo.
Naipamalas kasi talaga niya ang talas ng kanyang pag-iisip, galing sa pagpapahayag, at pagkamulat sa mga nangyayari sa lipunan.
At sinabi ng aktres sa Inquirer na tatanggapin niya anuman ang itanong sa kanya, at sasagutin niya ang mga nais malaman ng tao tungkol sa kanya.
“Each interviewer brings with them a different type of flavor. And so others want to learn about my personal life. Others want to hear about my acting career, you know. So it varies,” sinabi ni Gabriel sa Inquirer sa isang panayam sa Owner’s Circle sa Araneta City sa Quezon City nang mahirang na siyang second runner-up spot sa pinakamatagal nang national beauty pageant sa Pilipinas.
Sa talumpati niya nang makapasok sa Top 12, ibinahagi ng kandidata mula Cainta, Rizal, ang personal niyang pagbuno sa anxiety at sinabing dapat “democratize and destigmatize” na ang paghingi ng tulong kaugnay ng mental health upang matanggap ng lahat ng mga nangangailangan ang mga serbisyo at lunas na napakinabangan niya mismo.
Kumalat online ang mga bidyo ng performance niya, na umani ng papuri. Ikinatuwa naman ito ng actress-turned-beauty queen.
“I felt I made so many people feel visible. That is my ultimate mission in life, to make people feel seen, heard, and loved,” ibinahagi ni Gabriel, naghayag ng galak sa pagiging kinatawan ng isang tahimik na sektor ng lipunan.
Naging viral din ang sagot niya nang tanungin ng kapwa artistang si Joshua Garcia sa question-and-answer round hinggil sa pagkakaiba ng isang “historian” sa “Marites.”
“A historian is one who recognizes our painful past with factual evidence, looking back at our rich, vibrant history, as well as the times when our humanity was trampled on and our heritage was almost erased,” tugon Gabriel.
“If we look at our past, we can surely move onward and upward and rebuild, rise from this pandemic, and dream [of] a safer, healthier, and happier Philippines,” pagpapatuloy niya.
At nagsisimula pa lang si Gabriel, sinabing “I know I won’t stop wielding the power of my voice. And I won’t stop on this journey that I’ve started advocating.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.