Neri super flex ng property sa Baguio, payo sa mga Pinoy: Work, work, work lang tapos mag-ipon, iwas luho at tiis-tiis muna... | Bandera

Neri super flex ng property sa Baguio, payo sa mga Pinoy: Work, work, work lang tapos mag-ipon, iwas luho at tiis-tiis muna…

Ervin Santiago |September 12,2022
facebook
share this

Neri super flex ng property sa Baguio, payo sa mga Pinoy: Work, work, work lang tapos mag-ipon, iwas luho at tiis-tiis muna…

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 07:30 AM

Chito Miranda at Neri Miranda

FLEX kung flex ang aktres at tinaguriang wais na misis na si Neri Naig-Miranda sa property niya sa Baguio City.

Ibinalita ng asawa ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na ipinare-renovate na nila ang kanilang resthouse sa Baguio na siyang kauna-unahan niyang naipundar na ari-arian sa nasabing probinsya.

Ipinasilip pa ni Neri ang nasabing property sa kanyang Instagram followers na may caption na, “See you soon @baguiohillsidehouse.

“Mukhang sa Baguio kami magpa-Pasko ah! Etooooo na! Aayusin na ang resthouse namin sa Baguio! Syempre by @grupo.santamaria ulit!” bahagi ng caption ni Neri sa kanyang IG photo.
Aniya pa, “Eto ang first house ko sa Baguio puro rent lang talaga kami nung high school to college.

View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“P3,500 per month yung rent namin sa Upper Gibraltar. Dun mismo sa baba ng Good Shepherd, kina Manang Lucia,” dagdag pa niya.

Sey pa ng wifey ni Chito, “By next year, bubuksan namin ang aming resthouse para sa mga gustong magbakasyon sa Baguio. 622 sq m ang lot area kaya siguradong kakasya ang malaking pamilya.

“At sisiguraduhin namin malaki ang parking area at maraming tambayan kahit sa labas ng bahay. Para talagang mas feel na feel ang Baguio experience nating lahat,” aniya pa.

Chika pa ni Neri, para makamit at matupad ang pangarap, kailangan lang ng sipag, tiyaga at disiplina.

“Work work work lang tapos ipunin lang. Iwas luho muna. Tiis tiis muna para naka focus talaga sa goal.

“Pag may goal ako, sinusulat ko, nagpi-print pa ako (syempre @canonphils lang ang printer namin, hehe!).

“Tapos dinidikit ko sa wall para everyday nareremind ko sarili ko na mas magpush pa sa trabaho at kasipagan.

“Bawal ang tamad kase mabagal ang grasya at madalas, nawawala ang grasya.

“Kaya gooooo lang! Yung goals ko ang isa sa mga nagiging inspiration ko para mas magpursige sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May bahay na ako sa Baguio!!  Salamat po, Lord!” ang huling mensahe pa ni Neri.

Neri ibinebenta ang nabiling condo sa halagang P6.5-M: Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nag-meet ni Chito…

Neri Miranda ibinandera ang bagong negosyo at nabiling bahay sa Baguio; inalala ang kahirapan ng buhay noong bata

Pasaway na supporting actor biglang tsinugi sa pelikula dahil sa sobrang kaartehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending