‘Ang tunay na kaibigan, naalala ang pinagsamahan’ — Cristy Fermin

Cristy Fermin

“ANG tunay na kaibigan ay kaibigan kahit na merong malayong distansiya. Ang tunay na kaibigan ay hindi lang malalaman sa halakhakan kundi sa panahon ng kalungkutan at saka ang tunay na kaibigan, naalala ang pinagsamahan,” ito ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” na napakinggan ngayong hapon sa sa Radyo 5 92.3 News.FM at napanood sa One.PH YouTube channel.

Dagdag pa, “hindi ka ipagpapalit dahil lang sa kulay ng politika at hindi ka ipagpapalit dahil sa simpleng bagay.”

Nabanggit ito ng beteranang manunulat/host na noong naging host si Toni sa proclamation rally ng ngayon ay presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos Jr at ipinakilala nito ang kongresmang isa sa nagpasara ng ABS-CBN na si Mr. Rodante Marcoleta ay maraming Kapamilya executives ang nagalit sa wifey ni Direk Paul Soriano.

Wala naman kaming nabasang artistang Kakampink na tinira-tira o inaway si Toni sa naging paninindigan niyang tumaya kay PBBM.

Ilang oras matapos mapanood si Toni sa nasabing proclamation noon ni PBBM ay nag-post na siya ng kanyang official statement na nag-resign na siya bilang main host ng “Pinoy Big Brother” na kasalukuyang umeere pa at sinabi nitong ipinasa na niya sa kaibigang Bianca Gonzales-Intal ang kanyang puwesto.

At dahil dito ay hinulaan na kaya nag-resign si Toni ay dahil siguradong may puwesto na siya sa AMBS2 na pag-aari nga ng mga Villar na nagkatotoo naman.

Kamakailan ay pumirma si Toni kasama ang asawang si direk Paul sa AMBS2 at plantsado na ang sarili nitong programa na pangalan niya ang titulo, ang hubby niya tiyak ang direktor?

Kaya ang sabi ni Nanay Cristy sa mga tumalikod noon kay Toni ay baka ngayon ay babalikan siya o magsasabing, “Beke nemen puwedeng mag-guest sa ‘yo? Beke nemen puwede na tayong magsama-sama diyan sa AMBS2.”

Samantala, naging viral ang pahayag ni Toni na, “Hindi ako nag ipon ng maraming kaibigan kasi gusto ko ang bawat kaibigan kong iyon mabigyan ko ng attention at pagmamahal.”

Related Chika:
Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Chikang kinasuhan daw ni Chiz Escudero si Cristy Fermin ng cyberlibel ‘fake news’

Read more...