NAGSALITA na ang ina ni Heart Evangelista na si Cecile Ongpauco ukol sa kumakalat na balitang hiwalay na ang anak sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.
Ayon sa panayam ni Mario Dumaual sa ina ni Heart nitong Huwebes, Setyembre 8, naniniwala siyang malalagpasan ng dalawa kung may katotohanan man ang mga bulung-bulungan na may matinding pinagdaraanan ang mag-asawa.
“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!” saad ni Cecile.
Dagdag pa niya, “I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
Nilinaw rin ni Cecile na wala siyang alam kung may isyu nga bang namamagitan kina Heart at Sen. Chiz.
“I have not spoken to anybody,” giit pa niya.
Matatandaang sa isang vlog noong 2021 ni Heart kung saan nag-guest ang ina ay ibinahagi nito kung ano ang magustuhan niya sa relasyon ng dalawa.
Pahayag ni Cecile, “You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don’t stunt her growth,“ she told the couple in a cooking session. “You don’t cramp her style. I think that’s what’s good about their marriage. He allows her to grow, mature on her own.”
Ngunit ilang linggo na ring usap-usapan na tila may pinagdaraanan ang mag-asawa sina Heart at Sen. Chiz na huling namataang magkasama noong GMA Gala Night.
Lalo pa itong napag-usapan nang tanggalin ni Heart ang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram handle.
Marami rin ang nakapansin na hindi na sinusuot ng actress-vlogger ang kanilang wedding ring.
At nitong nakaraang Linggo, September 2, naglabas ng vlog si Heart kung saan tahasan niyang inamin na may pinagdaraanan siya at in search siya ng “real happiness”.
Wala naman siyang direktang sinabing patungkol sa kanilang mag-asawa ang pinagdaranan niya ngunit naging makahulugan ang kanyang mga pahayag.
Pero sa kabila raw ng kanyang nararamdaman ay grateful pa rin siya sa mga nangyayari sa buhay.
Related Chika:
Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?
Tatay ni Heart labs na labs na si Chiz: Sayang, naging bati na sana kami noon pa…
Nanay ni Heart saludo sa pagiging mabuting asawa ni Chiz: Happy wife, happy life!