TYPE rin pala ni Marian Rivera ang maging game show host tulad ng asawang si Dingdong Dantes na napapanood sa “Family Feud.”
Ito ang inamin ng aktres sa ginanap na grand launch ng 9.9 Super Shopping Day ng Shopee na magkakaroon ng TV Special sa ngayong araw, Setyembre 9, 9:35 p.m. sa GMA 7.
Aniya, “Well hindi ko sinasarado ‘yung door ko pero why not? Let’s try it.”
Sabay pasampol nito ng, “Anong bayong ang gusto mo?!” na sinundan ng malakas na tawanan ng mga miyembro ng entertainment press.
“Masaya na nakabalik na tayo sa ganito, face to face (mediacon) at hindi lang puro zoom tayo. Although kailangan pa rin nating mag-extra ingat pa rin and of course mag-test pa rin (antigen),” sabi ni Marian.
And for nth time ay muling natanong kung ano ang mga budol finds niya sa online shopping, “Kitchen talaga siguro dahil mahilig akong magluto. Na-quote nga ako kasi ‘yung basahan na gusto ko mukhang maraming (bumili) kasi na-sold out na sila.”
Nagkatawanan uli ang lahat dahil sa simpleng basahan ang talagang type nitong bilhin sa nasabing online platform.
Anyway, bukod sa mag-asawang Marian at Dingdong ay kasama rin sina Michael V., Carla Abellana at iba pang Kapuso stars sa magaganap sa shopping day.
Ayon naman kay Martin Yu, director ng Shopee Philippines, “We are thrilled to be welcoming the busiest sale season of the year with our users, sellers, and communities from all over the Philippines.
“We aim to be a platform that harnesses the power of technology to help all of our stakeholders and the community — whether it’s through our impactful CSR initiatives or exciting double day sales. We invite everyone to join us in making this our most meaningful celebration yet,” aniya pa.
* * *
Pinamukha talaga ni Viola (Agot Isidro) kay Lyric (Andrea Brillantes) na anak siya sa labas at hindi siya karapat-dapat maging sikat na singer sa iWantTFC original musical series na “Lyric and Beat,” na nasa huling tatlong episodes na lang.
Hindi inaasahan ni Lyric ang mga masasakit na salita sa kanya ni Viola, kung saan iginiit nito na anak sa labas si Lyric at inagaw sa kanya ni Isay, ang yumaong ina ni Lyric, si Peter (Jett Pangan), ang asawa ngayon ni Viola at dati ring manager ng grupo nina Viola at Isay na Trio Gen Divas.
Pero hindi alam ni Lyric na nagsisinunggaling lang si Viola dahil si Viola talaga ang naging kabit ni Peter habang karelasyon nito si Isay. Bukod sa totoong ama niya si Peter, kailangan na rin tanggapin ni Lyric na kapatid niya sina Jazz (Darren Espanto) at Melissa (Sheena Belarmino), mga miyembro ng karibal niyang grupo sa eskwelahan.
Dahil sa pinagdadaanan ni Lyric, nanganganib tuloy ngayon ang inaabangang sing and dance showdown ng Team Werpa laban sa sikat na grupong Prime Belters.
May pag-asa pa namang magbigay ng bonggang performance ang Team Werpa kung matutulungan at makukumbinsi ni Beat (Seth Fedelin) ang matalik niyang kaibigan na si Lyric na samahan ulit ang grupo nila.
Magaganahan ba ulit si Lyric na tulungan ang Team Werpa para talunin ang Prime Belters?
Mapapanood nang libre ang bagong episodes ng “Lyric and Beat” kada Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
Related Chika:
Andrea, Seth, Kyle, AC magpapasabog ng kilig at good vibes sa ‘Lyric And Beat’; bakit na-shookt si Jonathan Manalo?
Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?
Vice Ganda nag-ala fan girl kay Marian Rivera: Parang ang bango bango ng kili-kili!