Amy Perez dumipensa nang sabihang ‘very reckless’ dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog

Amy Perez dumipensa nang sabihang 'very reckless' dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog

MARAMI ang pumuri at humanga sa Kapamilya TV host na si Amy Perez sa kanyang kalmadong pagtapos ng kanyang spiel habang live ang kanilang morning program na “Sakto sa TeleRadyo” sa kabila ng nangyayari sa ABS-CBN compound.

Habang nagsasalita kasi siya nang live ay tumunog ang fire alarm na hudyat na may nangyayaring sunog sa compound ng Kapamilya network.

Nakangiti pa ngang tinapos ni Tiyang Amy ang kanyang balita tungkol sa giant crochet sa Baguio City at nagbiro pa habang umeere ng “Ano ba yang alarm na naririnig natin? Oh, mamaya. Recess na?””

Bukod pa rito, naging kalmado ang Kapmilya TV host sa pagpapahatid ng balita at noong matapos ito ay nagpaalam na siya sabay sabing “Magbabalik po kami, diyan lamang po kayo, dito sa Sakto.”

Proud namang ibinandera ng kanyang kasamahan na si Jeff Canoy ang pagiging professional ni Tiyang Amy kahit na may hudyat na para mag-evacuate sa building.

“Sorry guys, we had to cut our morning news show earlier. Had to evacuate after smoke alarms went off at the ABS-CBN main building,” sey ni Jeff sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa niya, “Thanks for the kind messages. We’re all okay. And heading back to work. Here’s Tyang @amypcastillo trying to get through a news item before we had to evacuate. Fighting!”

Umani naman ng iba’t ibang komento ang naging post ni Jeff.

“Talagang napaka-professional ni Miss Amy Perez,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Napakahusay, and thank you for letting us know you guys are okay. Ingat po kayo lagi!”

“Good job Chang Amy kahit may alarm na pinapahayag mo pa rin ang balita!!! I salute you stay safe everyone,” dagdag pa ng isa.

Pero kung may mga natuwa ay may mga hindi rin nagustuhan ang ginawa ng Kapamilya TV host.

“Very reckless. I’m not bashing her. I’m concerned with her safety,” sey ng isang netizen.

Agad naman itong sinagot ni Tiyang Amy at sinabing “It’s not being reckless, there is timing to everything and panic is not the answer. Thank you.”

Related Chika:
Isabelle Daza may nakakalokang fire alarm experience

Amy Perez nagluluksa sa pagpanaw ni Hans Mortel: You will always be my favorite ‘sawsawero’

Throwback photo ni Amy Perez bentang-benta sa netizens, Agot Isidro nag-react: Buti tumubo pa yung mga kilay natin, ‘no!?

Read more...