Medwin Marfil ng Truefaith napagkamalang ama ng bunso ni Jaclyn Jose: Sorry, hinde po ako…

Medwin Marfil ng Truefaith napagkamalang ama ng bunso ni Jaclyn Jose: Sorry, hinde po ako...

ITINANGGI ng Truefaith vocalist na si Medwin Marfil ang mga kumakalat na balita na siya raw ang ama ni Gwen Garimond Ilagan Guck, bunsong anak ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa kanyang Twitter account ay agad niyang nilinaw ang isyu. Kalakip rin nito ang screenshot ng comment ng isang netizen sa article ng BANDERA na siya nga raw ang ama ng bunso ng beteranang aktres.

“Sorry, hinde po ako ang ama ng son ni Jane/Jaclyn,” saad ni Medwin.

Dagdag pa niya, “Ex-guitarist namin ang daddy nung son.”

Ang tinutukoy ni Medwin na ex-guitarist ay si Kenneth Ilagan.

Malinaw rin naman na nakasulat sa aming write up kung sino ang tinutukoy ni Jaclyn ngunit marahil ay nalito na lang rin ang netizen kaya imbes na ang dating gitarista ang matukoy ay vocalist ang sinabi nito.

Matatandaang naisulat dito sa BANDERA ang naging reaksyon ni Jaclyn Jose sa dating karelasyon matapos niyang mapanood ang naging interview ni Kenneth sa YouTube.

“I don’t like you! Because of so many things, papatulan talaga kita kasi ‘di ka dapat tularan, tumakbo ka na lang ng US at tumahimik. Baka ma-deport ka pa… ‘di ba Ms. Cartago? ‘Wag na ‘yan.. g*go ‘yan, eh!!! Take it from me, tatay ‘yan ng anak ko e,” reaksyon ng ina nina Andi at Gwen sa naturang interview ng dating partner.

 

 

Si Kenneth ang sumunod na nakarelasyon ni Jaclyn matapos ang kanilang pagsasama ni Mark Gil. Umabot rin sila ng anim na taon bago sila maghiwalay noong 2000s.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng madlang pipol sa maling komento ng isang netizen.

“Medwin, next time ikaw na din daw ang pumatay kay Lapu-Lapu,” comment ng isang netizen.

“Hahaha naissue ka pa ng wala sa oras,” sey naman ng isa.

Biro pa ng isa, “Hahahahaha ikaw Medwin ha, pilyo ko rin pala , kaya pala sa Pasig kayo madalas mag jamming. May kababalaghang wag nalang kaya.. Hahahaha!”

Related Chika:
Medwin Marfil ng True Faith 4 na beses tumanggi sa offer ng UniTeam: May bayad powh…

Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

Medwin Marfil may hugot sa presyo ng bilihin: We are entering the golden age

Read more...