Billy ipinauubaya na kay Coleen ang pag-arte: Sa acting kasi huhukay ka pa ng patay, bubuhayin mo tapos papatayin mo ulit... | Bandera

Billy ipinauubaya na kay Coleen ang pag-arte: Sa acting kasi huhukay ka pa ng patay, bubuhayin mo tapos papatayin mo ulit…

Ervin Santiago - September 05, 2022 - 06:34 AM

Billy Crawford ayaw na munang bumalik sa pag-arte

Billy Crawford, Coleen Garcia at Amari

IPAUUBAYA muna ni Billy Crawford ang pag-arte sa harap ng camera sa kanyang asawang si Coleen Garcia dahil mas gusto muna niyang mag-concentrate sa pagiging host.

Last Sunday, August 28, makalipas ang dalawang dekada, napanood muli si si Billy Crawford sa GMA bilang host ng pinakabagong game show ng network, ang “The Wall Philippines”.

In fairness, talagang inabangan at tinutukan ng mga manonood ang pilot episode ng show kung saan unang naglaro ang rumored couple at bida ng seryeng “What We Could Be” na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na nanalo ng halos P2 million.

View this post on Instagram

A post shared by Danse avec les Stars (@dals_tf1)


Sa panayam namin kay Billy sa presscon ng “The Wall Philippines”, sinabi niya na wala pa sa mga plano niya at ng Viva Artists Agency na nangangalaga sa kanyang career ang bumalik sa pag-arte.

Tinanong kasi namin siya kung posible ba silang gumawa ng teleserye o pelikula ni Coleen, “Ibigay na lang muna natin sa asawa ko ang acting, kasi siya naman talaga ang mas magaling diyan.”

Aniya, gusto muna niyang karirin uli ang pagiging host kaya nga todo ang pasasalamat niya sa GMA at Viva Entertainment na siya ang napili para mag-host ng “The Wall Philippines.”

Sabi naman ni Billy sa interview ng GMA tungkol sa pagbalik niya sa pag-arte, “I don’t mind, wala akong problema diyan, I have no problem at all pero for me mas gugustuhin kong ibigay na lang ang acting sa asawa ko kasi ‘yun yung puso niya e, nandoon sa acting.

“Ako I prefer to actually perform kaya singing, dancing, or even hosting kasi its like performing na rin kahit paano,” aniya pa.

Patuloy pa niyang sabi, “Sa acting kasi huhugot ka pa ng emosyon, huhukay ka pa kung sinong patay, bubuhayin mo tapos papatayin mo ulit, so ayoko na ng stress na ganu’n.

“Kung comedy okay lang, sitcom walang problema, pero kapag drama or something like that medyo, mapapaisip na rin ako na parang ‘teka lang, wait lang a hindi ako John Lloyd e,'” dugtong ni Billy.

Sa pagkakatanda namin, ang huling acting project ni Billy ay ang comedy film na “Moron 5.2 The Transformation” na ipinalabas noong 2015 kasama sina Luis Manzano, Marvin Agustin at Matteo Guidicelli.

https://bandera.inquirer.net/319093/billy-pumapasok-noon-sa-its-showtime-nang-lasing-muntik-nang-hindi-matuloy-ang-kasal-nila-ni-coleen

https://bandera.inquirer.net/284250/john-lloyd-tuloy-na-ang-pagbabalik-showbiz-pumirma-na-ng-kontrata-sa-talent-agency-ni-maja

https://bandera.inquirer.net/313661/coleen-puring-puri-si-billy-bilang-anak-asawa-at-tatay-happy-birthday-again-my-love

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307804/nadine-lustre-hindi-na-bet-makipag-loveteam-im-already-past-that

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending