Heart magsasalita na tungkol sa chikang hiwalay na sila ni Chiz, ano nga kaya ang problema ng mag-asawa? | Bandera

Heart magsasalita na tungkol sa chikang hiwalay na sila ni Chiz, ano nga kaya ang problema ng mag-asawa?

Reggee Bonoan - September 04, 2022 - 11:14 PM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

ILANG araw nang trending si Heart Evangelista dahil sa mga hugot posts nito sa kanyang social media account.

Nagsimulang mag-viral at mapasama sa trending topic sa socmed ang pangalan ng aktres nang tanggalin niya ang married name niyang Escudero at ibinalik ang maiden name pero nakalagay pa rin sa profile niya ang salitang “wife.”

Ayon sa haka-haka ay may malaking international project si Heart na kailangang maiden name niya ang gamitin sa social media para hindi malito ang mga tao.

Pero hindi naniniwala ang followers ng fashion icon dahil bakit may mga hugot posts siya at nagsabi pang meron talaga siyang pinagdaraanan. Hindi ba dapat masaya siya kung wala talaga silang isyu ng asawang si Senator Chiz Escudero?

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Hanggang sa lumitaw ang tsikang may nabuntis ang senador na ayon naman kay Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay kailangang “verified” ito.

May mga ipinakitang mensahe sa vlog nina Ogie mula sa netizens na may nakakita umano kay Sen. Chiz sa isang bar sa BGC sa disoras ng gabi.

“Tapos may chika pa na kasi ayaw daw ni Heart Evangelista na maging preggy (dahil) gusto pa niyang manatiling sexy at hindi pa siya handang maging nanay.

“Kaya sa iba araw muna nagpunla si Chiz Escudero. Mga nababasa natin ha, pero siyempre importanteng marinig natin kay Heart at kay Chiz kung gaano katotoo na nakabuntis nga itong si Chiz ng ibang babae kaya naman ganu’n na lang kalungkot itong si Heart,” pahayag ni Ogie.

Susog naman ni Mama Loi, “Oo nga ‘Nay kasi sa mga post ni Heart parang ang lalalim ng about life, about finding yourself.”

At napansin nga raw ni Ogie, “Saka parang hindi na isinusuot ‘yung singsing (wedding ring).”

Ikinagulat ito ni Mama Loi, “Oh my gosh, ang wedding ring?”

“Oo at hindi natin madalas nakikita ngayon ang mag-asawa. Di ba minsan naba-viral pa ‘yan dahil sumisingit si Chiz (video), ‘naku bibili ka na naman ng bagong bag? Di ba sabi ko sa ‘yo, ibenta mo muna ‘yung iba bago ka bumili ng bago?’

“Ngayon wala na tayong nakikitang ganu’n. So, ang ispekulasyon ng marami, e, baka nga raw totoo na wala na si Heart at si Chiz,” diin ni Ogie.

Obserbasyon naman ni Mama Loi, “Pero parang may pinagdadltaanan talaga si Heart, kitang-kita ang lungkot sa mata niya at napapansin ‘yan ng followers niya na tumututotok sa Instagram niya na ‘yung mata raw.”

Say naman ni Ogie, “Hangad nating magkaayos pa rin sina Chiz at Heart para may nakikita na tayo sa Instagram, ha!”

Samantala, ayon sa nakatsikahan naming taga-GMA 7, “Magsasalita si Heart soon.”

https://bandera.inquirer.net/321054/heart-evangelista-tinanggal-ang-apelyido-ni-sen-chiz-sa-ig-name-may-pinagdaraanan-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/321985/heart-chiz-may-pinagdaraanan-bilang-mag-asawa-totoo-nga-kayang-naghiwalay-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300501/heart-lagot-kay-chiz-saan-ka-na-naman-nag-shopping-ano-yan-ha
https://bandera.inquirer.net/303190/heart-talagang-naghanap-ng-lalaking-mas-matanda-sa-kanya-apekatado-sa-memoirs-of-geisha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending