LizQuen hiwalay muna ng landas, sey ng ABS-CBN executive: For some reason, the timing was never right

LizQuen hiwalay muna ng landas, sey ng ABS-CBN executive: For some reason, the timing was never right
NAGSALITA na ang bagong upong ABS-CBN Film Production Inc. head Nna si Kriz Anthony Gazmen tungkol sa tambalang Enrique Gil at Liza Soberano na nagkanya-kanya na ng career path dahil iba na ang manager ng aktres.

Base sa panayam ni Ginoong Kriz sa Inquirer.net, “Liza and Enrique will now go their separate ways in terms of their careers. We recently met with Enrique, who is now ready to do projects on his own. We’re cooking something up for him.”

Dagdag pa, “We still have offers for Liza, but a lot of things depend on what will happen to the projects she and James (Reid) are working on at the moment. Hopefully, the timing will finally work out.”

Inamin ding nagtapos ang kontrata ni Liza sa Kapamilya network na hindi nabigyan ng follow-up ang Make It with You TV series dahil sa kasagsagan noon ng COVID 19 lockdown.

“Every time we do projects, we first consider the ‘gods’ — I feel that KathNiel and LizQuen are already gods in ABS-CBN. We have presented several projects to Liza and Enrique, and they were very open. There were so many pitches but, for some reason, the timing was never right,” pahayag pa ng ABS-CBN executive.

Nu’ng pinayagan nang makapag-shoot/tapings ang Entertainment industry at sinabihan ang LizQuen ay tumanggi naman ang mga ito dahil takot silang maglalabas pa hanggang sa inabutan na nga ng paglipat ni Liza ng management company nap ag-aari ni James Reid.

“There was a time when we were already about to shoot something and then COVID-19 cases surged. Liza and Enrique were still afraid to go out then. There were a lot of back-and-forth discussions, up until we were supposed to do another one, and then Liza made the decision to change career direction.”

Pero nang i-launch naman si Liza bilang isa sa artist na ng Careless Music Manila ay inamin nitong gagawa pa rin siya ng TV series at sa Kapamilya network ito mangyayari.

Kaya sa supporters ng LizQuen may pag-asa pang muli silang mapanood sa tamang panahon.

* * *

Nakasungkit agad ang baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India.

Ito ay si Jeremiah P. Palma na nagdirek ng low-budget short film na ‘Umbra.’

Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ng up-and-coming indie filmmaker, pero siya ang nakakuha ng Best Director award para sa horror-drama, na kung saan first time niyang mag-submit sa international film fests.

Siya ang itinanghal na Best Director sa Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India at sa Venus International Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

Ginagamit ng festival ang media platform bilang instrumento para kumonek sa mga manonood sa iba’t ibang siyudad, bansa, at kontinente.

Ito ang ikatlong taong isinasagawa ang festival, na nilahukan ni direk Palma na siyang director-in-charge sa Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division, na nasungkit ang pangaral noong Hulyo 24, 2022 ng pelikulang UMBRA.

Bago sa FEWF, itinanghal muna siyang Best Director sa parehong pelikula sa Venus International Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

Si Palma ay kilala rin sa tawag na Direk Miah na nagsimulang magdirek ng music video at short films noong 2020.

Ang kanyang film outfit, ang MAYA Film kasama ang KSMBPI Film Division ay nag-collaborate para sa produksiyon ng ‘Umbra’, isang indie film na ipinakita sa international film forum.

Ang dalawang international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.

Mapapanood din ang pelikula sa Pilipinas matapos maipalabas globally.

Related Chika:
Producer ng ‘Exes Baggage’, ‘Alone/Together’ bagong head ng ABS-CBN Film Productions

Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?!

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Wala munang LizQuen for the moment, since busy pa ‘yung baby ko — Enrique Gil

Read more...