Producer ng ‘Exes Baggage’, ‘Alone/Together’ bagong head ng ABS-CBN Film Productions
PORMAL nang inanunsyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Kriz Anthony Gazmen bilang bagong head ng ABS-CBN Film Productions Inc. simula May 1.
Siya ang papalit kay Olivia Lamasan na magreretiro na ngunit mananatili bilang consultant ng kumpanyang nasa likod ng Star Cinema at Black Sheep Productions.
Bago ang appointment na ito, nagsilbing business unit head ng Black Sheep si Kriz. Malikhain, innovative, at business savvy, naging instrumental siya sa pagpapakilala sa nasabing film outfit noong 2018 at naghatid ng makabagong paraan ng pagkukuwento sa matatagumpay na pelikula tulad ng “Exes Baggage” (2018) at “Alone/Together” (2019).
Una siyang naging bahagi ng ABS-CBN Films bilang creative producer ng Star Cinema taong 2007 hanggang sa naging creative director noong 2015. Ilan sa mga naging proyekto niya ang “I Love You Goodbye” (2009), “No Other Woman” (2011), “One More Try” (2012), “The Trial” (2014), and “Etiquette for Mistresses” (2015).
Nagtapos si Kriz bilang Cum Laude sa University of the Philippines (Diliman) sa kursong Film and Audio-Visual Communication.
Sa kanyang bagong papel, inaasahan ang mas makabago at napapanahong storytelling sa pagpapatuloy ng ABS-CBN Films na bumuo ng mga bagong content at magpalabas sa iba’t ibang platform para maabot pa ang mas maraming manonood.
Samantala, magsisilbi namang consultant ng kompanya si Olive na kilala rin bilang “Inang” sa industriya. Patuloy niya itong gagabayan sa paggawa ng content at pagbuo ng partnership at pati na rin sa talent management sa pamamagitan ng RISE Artists Studio.
Mahigit 34 taon nang bahagi ng ABS-CBN ang award-winning filmmaker na naghatid ng mga hindi malilimutang pelikula tulad ng “Sana Maulit Muli” (1995), “Madrasta” (1996), “Milan” (2004), “In the Name of Love” (2011), “The Mistress” (2012), “Starting Over Again” (2014), at “Barcelona: A Love Untold” (2017). Mahalaga rin ang naging papel niya sa telebisyon sa pagiging bahagi ng ABS-CBN programs na “Maalaala Mo Kaya,” “Pangako Sa’Yo,” “Forevermore,” at iba pa.
Sa gitna ng matitinding pagsubok ng pandemya, pinangunahan naman ni Olive ang iba’t ibang venture at partnership ng ABS-CBN Films na nagbigay-daan para mapanood ang content nito sa iba’t ibang platform habang nanatili ito bilang maaasahang producer ng mga kwentong naghahatid ng inspirasyon sa mga Pilipino.
https://bandera.inquirer.net/297862/ex-battalion-may-galit-nga-ba-kay-ai-ai-matapos-magbitiw-bilang-talent-manager
https://bandera.inquirer.net/303606/nadine-sinupalpal-ang-bashers-na-di-maka-move-on-im-still-living-rent-free-in-your-heads
https://bandera.inquirer.net/295085/maggie-wilson-kasosyo-ng-nakabili-sa-franchise-ng-miss-universe-uae-gumastos-daw-ng-p1-b
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.