Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network

Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network
INTERESTING ang ikinuwento ng aming source tungkol sa veteran actress sa isang network na kaya pala laging sila ang laman ng mga programa at TV series ay dahil may palakasan system pala.

Ang kuwento ng aming source, “pansin mo maraming shows si (veteran actress) kasi nagre-regalo siya sa mga boss at TC (talent coordinator). Ang siste kapag may new show na bubuuin, laging sina-suggest ni TC ang name niya na in fairness naman ay magaling naman, pero siyempre marami rin ang puwede sa role niya.”

Hirit namin na maski kami ay gusto namin ang beteranang aktres dahil okay siya sa drama at sa comedy kaya masayang mapanood, pero kami hindi namin napapanood ang mga shows niya kundi sa mga movies lang.

“In fairness marami na rin kasi siyang tsikang bosses at TC sa tagal naman na niya sa industry. Saka in fairness ulit, madali siyang kausap kasi diretso ka sa kanya, walang middle man unlike sa ibang artists ang daming kausap at minsan ang hirap kausap ng kampo nila,” kuwento pa ng an gaming source.

Binanggit din ng aming kausap ang isang sikat na batang aktres na kami rin ay nagtataka kung bakit kaliwa’t kanan ang project niya na hindi naman siya ganu’n kagaling at hindi rin siya telegenic for us pero hataw talaga.

“Nag-click naman ang mga series ng batang aktres pero mga kasama nitong veteran actress ay inireklamo na rin siya dahil may attitude.

“Yung manager naman niya ang bonggang magbigay sa mga bosses at talent coordinators din kaya marami siyang projects. Kita mo naman sikat na at one of the gems of (TV network).

“Pero pansin mo, parang hindi naman siya mabenta sa commercials or product endorsements?” tsika pa ng amng source.

Kaya ngayon alam na namin ang sistema sa nasabing network.

Other Chika:
‘Matulis’ na character actor na-fall na naman sa bagong leading lady: Mag-ingat lang siya dahil baka makabuntis siya uli!

Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Read more...