Jason Abalos, Vickie Rushton ikinasal na

  Jason Abalos, Vickie Rushton ikinasal na

VERY intimate ang naging kasal ng aktor na si Jason Abalos at dating PBB housemate-beauty queen na si Vickie Rushton.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa San Antonio de Padua Parish sa Nasugbu, Batangas nitong Huwebes, September 1.

Litaw na litaw ang kagandahan ni Vickie habang nakangiting naglalakad sa altar papuntang altar sa kung saan naluluhang nag-aantay si Jason.

Base sa mga Instagram posts ng kanilang kaibigang si Marco Alcaraz, makikitang super happy ang dalawa sa kanilang pag-iisang dibdib.

Makikita pa ngang nagkatawanan sina Jason at Vickie matapos ang kanilang kasal bago sila ulit mag-kiss.

Marami ring mga taga-showbiz ang present sa kanilang kasala gaya nina Joross Gamboa, Kaye Abad, Raphael Martinez, Onyok Velasco, Sam Bernardo, at JC Tiuseco.

Sina Joseph, Joross, at Raphael ay mga kasabayan ni Jason sa Kapamilya talent search na “Star Circle Quest” noong 2004.

Marami naman ang nagbigay ng congratulatory messages at best wishes sa bagong mag-asawa.

“Congrats @thejasonabalos and @vimrushton May Godbless your Marriage! All Glory to God!” saad ni Joross.

“To the most beautiful Binibini I know inside and out, congratulations and best wishes @vimrushton. We both know that you guys waited for this moment for a long time. I just can’t let this day ends without telling you how much I appreciate you as a friend, I LOVE YOU SO MUCH BABE. Alam mo yan!” sey naman ni Samantha sa kanyang IG post.

Matatandaang noon pang nakaraang taon nang ma-engage ang dalawa ngunit ini-reveal lang nila ito noong June.

Unang nagkita sina Jason at Vickie sa “Kapamilya Karavan” sa Bacolod City noong 2010.

Related Chika:
Hirit ni Jason Abalos kay Vickie Rushton: Panahon na para bumuo ng pamilya

Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na: ‘Patugtugin na ang kampana!’

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Prenup photoshoot nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa Pantabangan Dam may ipinaglalaban

Read more...