#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary

#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary
HABA ng hair ang peg ni KaladKaren o si Jervi Li sa totoong buhay nang bumungad sa kanya ang masayang sorpresa sa kanya ng British fiancè.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng TV host ang nakakakilig na regalo sa kanya ng dyowa sa kanilang 10th anniversary.

“Awwww woke up to this!!!! [crying face emojis] Happy 10th anniversary, my love!!!! You are indeed, the love of my life! [heart, rainbow flag emojis],” saad ni KaladKaren at may pa-hashtag pang “#LoveWins”.

Isang balloon at flower arrangement kasi ang bumungad sa kanya paggising niya nitong Biyernes, Agosto 26.

Nag-comment naman ang fiancè ni KaladKaren sa kanyang IG post.

“I love you with all of my heart [heart emoji]” saad ni Luke.

Matatandaang noong September 2020 nang ibalita ni KaladKaren ang kanilang engagement ng longtime dyowa.

Ito ay ibinahagi niya rin sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan kung saan ibinandera niya ang kanyang engagement ring.

“The man of my dreams asked me to marry him… in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan!” sey ni KaladKaren.

Sa isang vlog ng TV host ay naikuwento niya kung paano nga ba sila unang nagkakilala ng kanyang partner ngayon.

Ani KaladKaren, nagkakilala raw sila noong 2012 sa HongKong.

“Siyempre, nagbakasyon kami together and stuff like that. After ng three months, dumiretso na siya ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Naloka pa nga raw ang kanyang fiancè nang sinabi niyang ipapakilala niya ito sa mga magulang at nang nakarating sila sa restaurant ay present anh halos buong mga kaanak ni KaladKaren.

“When I met your family, I just thought it was just your mom, dad, and brother.

“And then, ‘Oh, my cousins are coming, grandad is coming, so and so is coming.’ And then I really realize that Filipinos are bringing all their family to this event,” kwento ni Luke.

Dagdag pa ng dyowa ni KaladKaren, “So we had, like, one small table booked at this seafood restaurant and then it turned into, like, we have nearly the entire top floor of this place full of your family.”

Related Chika:
Kaladkaren emosyonal nang ipakita kay Karen Davila ang bagong bahay: Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko ito makukuha

Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

Read more...