Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas
UNTI-UNTING nagiging aktibong muli ang aktor na si Tom Rodriguez sa pagpapakita sa publiko matapos ang kanilang paghihiwalay ng dating asawang si Carla Abellana.

Sa katunayan, naging special judge ang aktor kamakailan sa Miss Philippines USA na ginanap sa San Diego, California.

At sa naging panayam ni Tom sa 24 Oras ay siniguro niya sa mga tagasuporta at mga kaibigan na nasa maayos siyang lagay sa Amerika.

Ilang buwan na rin ang nakalipas buhat nang aminin niya na tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang asawa.

“I’m okay and I really, really appreciate the sentiments,” saad ni Tom.

Dagdag pa niya, “I miss all of you guys right back so I can’t wait to see all of you again. And let’s collaborate, let’s work on something all of us.”

Inamin rin niya na miss na miss na niya nag pag-arte at looking forward siya na muling makasama at makatrabaho ang mga kaibigan sa Pilipinas at excited na rin siyang makasama ang kanyang mga tagasuporta.

“I really miss performing and collaborating, not just with my peers and my predecessors, but also collaborating with the audience, you know, the rapport,” lahad ni Tom.

Ngunit sa ngayon daw ay pinipili niyang sa Amerika muna mamalagi lalo na’t may mga ginagawa rin siyang proyekto doon.

“We got a few things lined up. So, I have been lucky enough to be a part of a series of shows. Hopefully, hopefully, I can start plugging them soon,” sey ni Tom.

Matatandaang sa pagsisimula pa lamang ng taon nang magsimula ang bulung-bulungan na hindi na maayos ang relasyon nilang dalawa ni Carla.

At nitong nakaraang Marso nang magdesisyon siyang lumipad pa-Amerika dahil na-realize niya na hindi na niya maayos ang problema sa pagitan nilang mag-asawa.

Pahayag noon ni Tom, “I left the Philippines for the U.S. last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.

“A lot has been said against me, but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth.”

Dagdag pa niya, “I refuse to allow anyone, who only wants to use us and our brokenness, for news.

“It was not a perfect relationship, but we know how much we loved each other.”

Related Chika:
Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Tom Rodriguez bumuwelta sa basher na nakisawsaw sa breakup nila ni Carla Abellana: Naliligaw po yata kayo…

Read more...