LABIS ang saya ng mga solid supporters ng Kapamilya network nang mabalitaan na magtatayo na ng opisina ang ABS-CBN sa Hollywood sa Los Angeles, California.
Sa katunayan, makikita na ni-repost ni Megastar Sharon Cuneta ang isang post kung saan naghahanap ng office assistant o coordinator ang global arm ng Kapamilya network.
“ABS-CBN International is launching a Los Angeles office and is looking for an assistant/coordinator! This is an exciting opportunity to be part of a legacy while also being involved in starting a company from the ground floor,” saad sa naturang post.
Nakasaad rin sa naturang post ang mga qualifications na kinakailangan nila gaya ng script coverage, networking, organizing meetings, rolling calls, at scheduling.
Base rin sa post ay ang pangunahing layunin kung bakit magkakaroon ng opisina sa Hollywood and ABS-CBN ay para makagawa ng mga content na mapapanood sa Amerika at sa iba pang sulok ng mundo.
“It is the largest content creation studio in the Philippines, producing shows across the different networks and digital platforms in the Philippines and the Asian region.
“The goal of opening the LA office is to develop, collect, and curate material to produce from Hollywood, for the US and the world,” sey sa post ng ABS-CBN.
Matatandaang noong Setyembre 2019 ay nagkaroon ang Kapamilya network ng deal sa US film and TV outfit na Electric Entertainment na pinamumunuan ng Filipino-American producer na si Dean Devlin.
Kamakailan rin ay usap-usapan ang ABS-CBN matapos ang kanilang investment deal sa TV5.
Naging maingay ang pagsasanib pwersa ng dalawang malaking network sa bansa nang mapansin at kwestiyunin ito ni Rep. Marcoleta.
Samantala, nagdesisyon naman ang dalawang panig na i-pause muna ang kanilang agreement dahil sa mga isyung kinakaharap.
Related Chika:
Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga