Bagong pageant dedma sa age limit | Bandera

Bagong pageant dedma sa age limit

Armin P. Adina - August 25, 2022 - 04:47 PM

Bagong pageant dedma sa age limit

Mister Asia Pacific organizer Mikkayla Mendez/ARMIN P. ADINA

HALOS lahat ng pageants may age limit, kaya marami nakatatandang indibidwal ang nawawalan ng pagkakataong sumabak sa mga patimpalak.

Ngunit isang bagong international competition ang nagtanggal sa limitasyong ito at tatanggap ng mga aplikante, kahit ilang taong gulang man sila.

Ibinahagi ito ni Mikkayla Mendez, organizer ng katatatag na Mister Asia Pacific pageant, sa ilang piling manunulat sa isang maliit na pagtitipon sa Quezon City noong Agosto 11.
Lumipad sa Maynila ang nars at pilantropong taga-Australia para sa mga paunang pag-aasikaso para sa national at international na kumpetisyon na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.

“We will have a Mister Asia Pacific Philippines pageant, and an international pageant, the Mister Asia Pacific,” inilahad pa niya.

Pipiliin sa national competition ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa international contest, kung saan magtatagisan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya at paligid ng Pasipiko.

Balak nilang itanghal ang Mister Asia Pacific Philippines contest sa Marso ng susunod na taon, habang sa pangalawang kalahati naman ng 2023 nakatakdang isagawa ang international competition.

“My goal is to have the Top 5, or Top 3, do community outreach every month during their reign,” ani Mendez. Sinabi pa niyang maaari pa rin niyang bantayan ang mga gawain ng mga magwawagi kahit nasa Melbourne pa siya.

Matagal na umano siyang tagahanga ng pageants, at tila kulang na ang pagiging sponsor lang. Kaya naramdaman niya ang pagnanais na magtatag ng sarili niyang patimpalak.

Sinabi ni Mendez na maliban sa pagtatanggal sa maximum age requirement, hindi pa naplaplantsa ang iba pang mga kwalipikasyon. Ngunit binahagi niyang naghahanap ang Mister Asia Pacific ng lalaking “masculine, intelligent, and with height.”

Tatanggap ng P150,000 ang hihiranging Mister Asia Pacific Philippines. Hindi pa binabanggit kung magkano ang magiging premyo ng international titleholder sa ngayon. Ilalabas sa opisyal na Facebook page ng patimpalak ang mga impormasyong kaugnay ng screening ng mga aplikante, at mga detalye tungkol sa prangkisang lokal at international.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending