TALAGA namang magagaling at mabibilis ang mga Marites basta chika ang usapan dahil agad nilang napansin ang isa sa mga naka-tag sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez.
Kamakailan kasi ay ibinandera ng aktres ang kanyang graduation photo dahil finally ay magtatapos na siya ng kolehiyo sa Philippine Women’s University sa kursong Communication Arts.
“Don’t downgrade your dream to fit your reality. Upgrade your conviction to match your destiny.
“I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week,” pagbabahagi ni Ruffa.
Dagdag pa niya, “I would not have been able to successfully embark on my educational journey without the continuous guidance of PWU‘s ETEEAP team of professionals and the immeasurable support of my loved ones.”
At mukhang isa sa mga “loved ones” na nais pasalamatan ni Ruffa ay ang rumored boyfriend nitong si Herbert Bautista.
Mapapansin kasi na isa ito sa mga naka-tag sa kanyang post kasabay nina Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Richard at Raymond, Lorin at Venice na pawang mga kapamilya niya.
Matatandaang matagal nang usap-usapan kung ano nga ba ang ugnayan nina Ruffa at Herbert.
Bagamat walang inaamin ang dalawa hinggil sa kung ano ang namamagitan sa kanila ay bukas naman ang aktres na isa si Bistek sa mga nagpu-push sa kanya na mag-aral at tinuturuan rin siya nito.
Sa naging panayam ni Ruffa sa “Magandang Buhay” kamakailan ay natanong siya kung ano nga ba ang meron sa kanilang dalawa ng actor-politician.
“To answer your question, walang ganap. Kasi kung saan-saan umiikot,” Ruffa told them. “I think ang masasabi ko now, platonic siya. Para siyang mentor ko. … Parang mentor lang ang peg. Ako ‘yung estudyante slash experiment,” sey ni Ruffa.
Nang tanungin naman siya ni Regine kung may chance nga ba na ma-upgrade sa next level ang kanilang relasyon, sinabi nitong ang priority nila ay kanilang mga career.
“I think at this point, wala pa kami doon. It’s more of like he’s busy achieving his goals, I’m busy achieving mine and one day, kung matutugma ‘yun, why not?” sabi pa ni Ruffa.
Matatandaang nagkasama ang dalawa sa Netflix series na “The House Arrest Of Us” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!
Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me