Sexy star natagusan habang nasa lock-in taping, ipinalinis sa personal alalay

Sexy star natagusan habang nasa lock-in taping, ipinalinis sa personal alalay

TRULILI kaya ang tsika mula sa isang source na close kay sexy star na hate na hate nito kapag mayroon siyang monthly period dahil nakakaistorbo sa trabaho at hindi okay sa pakiramdam.

Totoo naman talaga ang pakiramdam na ganito ng lahat ng babaeng may monthly visit na kahit nasa bahay ka lang ay nakakairita pa rin, e, di mas lalo na nga kapag working ka.

Ito ang nakakalokang tsika sa amin ng ka-close ng sexy star na nasa lock in shoot at hindi niya alam na may monthly visit siya kaya natagusan.

Imbes na pumunta siya ng banyo para linisin ang natagusang hindi naman kalakihan ay sa mismong personal assistant niya ito ipinalinis.

May mga artistang nakakita sa ginagawa ng PA sa sexy star at hindi raw sila nakakibo at nagkatinginan na lamang.

Sabi ng ka-close ng sexy star ay pinagsabihan niya ang kaibigan niya dahil nakaka-off lalo’t may ibang taong nakakita na baka iba ang isipin tungkol sa kanya at doon lang nito naisip na pumunta ng banyo.

Kami rin ay hindi nakapagsalita sa tsikang ito ng ka-close ng sexy star dahil hygiene na ang pinag-uusapan dito, ibig sabihin ay may ganitong ugali talaga siya?

Anyway, dahil nga nasa lock-in shoot ang sexy star ay wala ito sa mood bagay na inintindi na lang ng mga kasama niya at director na sobrang bait daw.

In fairness mabait din si sexy star, baka nga natiyempo lang talagang bad day sa kanya ang araw na may period siya.

* * *

Siksik sa sayawan at kantahan ang unang iWantTFC original musical series na “Lyric and Beat” kaya’t tutok na tutok ang mga manonood sa “feel-good” serye tampok sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Nakakaindak at nakaka-”LSS” (last song syndrome) ang mga musical performance kung saan binibigyang-buhay nina Andrea, Seth, Darren Espanto, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, Angela Ken, at Awra Briguela ang mga kanta ng tanyag na composer na si Jonathan Manalo.

Tampok sa serye ang mga kanta tulad ng “Tara Tena,” “Kabataang Pinoy,” “Hindi Kita Iiwan,” at “Patuloy ang Pangarap” upang ipagdiriwang ang ika-20 taon sa industriya ni Jonathan. Pumatok at bilib na bilib ang mga manonood sa serye kung saan ibinibida ang talentong Pinoy.

Ayon sa Nylon Manila magazine, isa itong “new gen musical series” na ikaka-proud ng mga Pilipino. Sabi naman ng Village Pipol na siguradong mapapasabay sa sayawan at kantahan ang mga manonood dahil sa husay na pagkagawa ng mga eksena.

Bukod sa magagandang performances, natuwa ang netizens at pinuri nila ang serye sa social media para sa nakaka-inspire na kwento kung saan binibigyang-diin na huwag sumuko sa mga pangarap gaano man ito kahirap.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento, todo-todo na ang paghahanda ng Team Werpa nina Lyric (Andrea) at Beat (Seth) dahil makikipag-showdown sila laban sa Team Prime Belters ni Jazz (Darren).

Pero kahit may namumuong rivalry sa pagitan ng dalawang grupo, mukha namang nagkakamabutihan sina Lyric at Beat habang binibigyan nila ng kumpiyansa ang isa’t isa.

Kaninong grupo ang mananaig upang i-represent ang kanilang eskwelahan sa inaabangang national competition?

Mapapanood nang libre ang bagong episodes ng “Lyric and Beat” kada Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Related Chika:
Bayaran sa talent fee ng celebrity tuwing eleksiyon aabot sa P100-M; may mga artistang naniningil ng P1-M ‘per akyat’

Angeline sa ‘super retokada’ comment ng hater: Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan ang sarili ko

Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung…

Read more...