Vlogger-actor Kimpoy Feliciano nakabili na rin ng vacation house sa Tagaytay; Alden, Ruru pinakilig ang mga Dabawenyo | Bandera

Vlogger-actor Kimpoy Feliciano nakabili na rin ng vacation house sa Tagaytay; Alden, Ruru pinakilig ang mga Dabawenyo

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Vlogger-actor Kimpoy Feliciano nakabili na rin ng vacation house sa Tagaytay; Alden, Ruru pinakilig ang mga Dabawenyo

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 06:53 AM

Kimpy Feliciano

NAPA-“SANA all” na naman ang mga supporters at social media followers ng aktor at sikat na content creator na si Kimpoy Feliciano.

Ito’y matapos ipagmalaki ng YouTuber ang isa na namang blessing at bonggang achievement na natanggap niya pati na rin ng kanyang pamilya.

After nga niyang ibalita noon na meron na siyang isang ultra-modern house na naipatayo niya sa San Mateo, Rizal, nakabili na naman daw siya ng bagong property.

This time, isang two-storey vacation house naman sa Tagaytay ang naipundar niya na aniya’y nagpapaalala sa kanya sa dati nilang bahay sa Malolos, Bulacan.

Pahayag ni Kimpoy, “Dito pagpasok n’yo makikita n’yo there’s a tree- this is a Mango tree.

“And nu’ng nakita ko ‘tong bahay na ‘to isa ito sa mga na-touch ako. Nagbalik siya ng memories kasi, ‘yung first bahay namin sa Malolos, Bulacan meron din siyang manga,” chika pa ng YouTuber.

Ani Kimpoy, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang tungkol sa mga nabibili niyang properties hindi para magyabang kundi para magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga kabataang Pinoy na nangangarap.

“Masasabi ko lang keep dreaming. Nothing is impossible, kayang-kaya n’yo rin yan guys, basta tuloy-tuloy lang and huwag kayo mawawalan ng pag-asa.

“Sana ma-inspire kayo sa mga ginagawa ko,” aniya pa.

* * *

Talagang na-miss ng kanilang fans sa mga probinsya sina Alden Richards at Ruru Madrid.

Patunay rito ang mainit na pagtanggap ng mga Dabawenyo sa kanila sa katatapos lang na Kadayawan Festival.

Dinala ng GMA Regional TV ang mga bida ng top-rating show na “Lolong” at upcoming TV series na “Start-Up PH” bilang partisipasyon ng GMA sa Kadayawan Festival.

View this post on Instagram

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Kasama ni Ruru sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, at Rochelle Pangilinan sa isang jam-packed Kapuso Mall Show sa Atrium ng Gaisano Grand Citygate Mall nitong Sabado.

Nagpakilig naman nang husto sina Alden at Jeric Gonzales sa “Start-Up PH Kapuso Fans Day” sa Vista Mall Davao noong Linggo.

Sumakay din sa GMA float ang “Lolong” at “Start-Up PH” stars noong Linggo bilang pakikiisa sa Pamulak sa Kadayawan Float Parade.

Marami ang nag-chant ng “Lolong” at “Atubaw” habang dumadaan ang float nina Ruru. Di naman magkandamayaw ang mga Dabawenyo nang masilayan nila si “Good Boy” Alden.

This weekend, tutulak naman pa Cagayan de Oro City ang stars ng inaabangang seryeng Voltes V Legacy para sa pagdiriwang ng Higalaay Festival.

Abangan sila Martin Del Rosario, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho sa Centrio Ayala Mall, Cagayan de Oro City ngayong Biyernes, August 26, 4 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298693/kimpoy-feliciano-may-promise-kay-heaven-thank-you-for-coming-into-my-life-so-unexpectedly
https://bandera.inquirer.net/307526/heaven-kimpoy-nag-trending-uli-sa-socmed-mag-dyowa-na-kaya
https://bandera.inquirer.net/297302/kimpoy-ipinagtanggol-si-heaven-kilalanin-nyo-muna-yung-tao-on-a-personal-level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending